NAIIA "Ex-friend niyo nandyan..." Nakatingin siya sa amin ni Carmella. "Doon na lang tayo dumaan sa kabila, Car." Hinila ko na sa kamay si Carmella pero nagpapigil siya. "Bakit ikaw pa mismo ang mahihiya, Naiia? Siya iyong may atraso sayo. Kaya rito tayo dumaan." Hinila niya ako at nauna ng naglakad, ramdam ko namang sumunod sa amin si Martin. "Tsk." Rinig kong sabi ni ni Martin sa likod namin. Si Carmella iyong kaibigan 'di magpapatalo. Siya iyong palaging may kaaway sa amin pero 'di siya palaaway ha? Kapag may umaaway sa amin, sumasagot siya. 'Di siya duwag na babae. Amasona. "Oh, akala ko ang mga ahas sa gubat at zoo lang nakikita. Mayro'n din pala sa mall?" Mangha niyang sabi sa amin ni Martin. Gulat na gulat pa siya nang sabihin niya iyon. "Carmella," inaawat ko siya at t