NAIIA "Hi, Can we talk?" "Naiia, can we talk?" "Hi, are you busy?" "I hope we can talk na tayong dalawa." Ilang araw na ang nakakalipas na mangyari ang sagutan nina Carmella at Reign sa mall. Akala ko mag-te-trending ang harapan nila buti na lang walang nakapag-video o nakapansin sa sagutan nila. Kung hindi trending kami ngayon sa social media. Sa ilang araw na nakalipas, hindi naging palyado ang pag-text at pagtawag sa akin nu'ng aso. Ilang beses ko na rin bina-block ang mga phone number na tumatawag sa akin pero hindi ko alam kung ilang sim cards ang binili ng asong iyon. Halos mga unknown numbers ang nasa blacklist ko ngayon. Gusto ko na nga magpalit ng number pero hindi p'wede. Halos itong number na 'to ang binibigay ko sa mga friends at nilalagay ko sa mga documents ko ka