YRENEA Pinili kong magkita kami sa bahay niya, kung saan niya ako dinala. Iniisip ko rin kasi kung sa coffee shop kami magkita hindi kami gaanong makakapag-usap dahil na rin may ibang tao roon at maingay. Nagpahatid ako sa driver namin sa bahay niya. Huminga muna ako nang malalim at saka lumabas. "Kuya, tatawag na lang uli ako sayo kapag magpapasundo na po ako." Ani ko sa kanya at tumango ito sa akin. Tuluyan na akong lumabas ng kotse, nasa harap na ako ng kanilang gate. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin 'to. Tama si Mommy kailangan kong pakinggan ang paliwanag niya. Hindi naman papayag sila sa relasyon namin at ng parents niya kung may nagawa akong kasalanan. Kailangan kong magtiwala sa kanya. Pinindot ko ang doorbell na dalawang beses at umayos ng tayo. Hinihintay na