YRENEA "Do you think na magugustuhan niya itong regalo ko sa kanya, Daddy?" I asked Isidro. Kanina pa ako kinakabahan. Hindi na nga ako mapakali rito sa inuupuan ko habang papunta sa bahay ng parents niya. Bitbit ko ang regalo kong dress sa kanya, actually terno kami. Uso ngayon iyon. "We're here, baby. Are you ready?" Napatingin ako sa labas ng bintana at sinilip ang bahay ng parents niya. Dito kasi muna pansamantalang tumitira si Therese dahil nga hindi ko pa alam ang tungkol sa kanya. Lumingon ako sa kanya at tumango. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin or nagtatampo dahil sa nangyari nu'ng nakaraang araw. Sana hindi. "Don't worry, baby kanina ka pa rin niya hinahanap. Kahapon pa siya masaya ng sabihin kong dadalawin mo siya at gusto mo siyang makilala." Gumaan ang pa