NAIIA PILAK "Kakain muna ako bago ako mag-grocery. Mabibigatan lang ako kapag dinala-dala kung saan niyong ipapamili ko. Baka may maalala pa akong kailangang bilhin." Ani ko sa aking sarili habang papasok ng Mall. Naka-maong short ako na hanggang tuhod ko at naka-kulay itim na shirt na may design na 'I don't care'. I don't care talaga kasi wala naman akong pake sa mga taong nakapaligid sa akin maliban sa pamilya ko. Kaya nga sinasabihan akong may sariling mundo. Gusto ko laging mapag-isa. Gusto ko walang maingay at lalong walang tao sa paligid ko. Iyon iyong haven na gusto ko. Kaya nga nu'ng college ako, wala akong gaanong kaibigan. Ah! Nagkaroon pala ako ng isang kaibigan! Ginamit lang ako para maligawan niya iyong babaeng gusto, ginamit niya ako para gawan siya ng tula, awit at lalo