NAIIA "Oh! It's that you Naiia?" Napahinto ako sa aking nakita. Bakit sa dami-daming p'wedeng kasama ng asong ito, ito pang isa sa mga kinaiinisan ko. "Reign, do you know each other?" Sabat ng asong ito. "Oh, hi, Reign. Nice to meet you! Sige ha, kailangan ko na kasing umalis." I smiled. Iyong pekeng ngiti. "Wait, can we catch up together? Ngayon lang ulit kita nakita! How are you?" Napahigpit ang hawak ko sa push cart na ito, nagtitimpi na 'wag magalit. Pilit akong ngumiti kahit nauuyam akong makita siya, "Hmm... Busy kasi ako. Need ko mag-review para sa darating na licensure examination. Next time na lang." Sana wala kang time. Bwisit ka. "Galit ka pa rin ba? Matagal na niyon, Naiia. I really don't know na pinagsabay tayo ni Henry. I'm sorry, please patawarin mo na ako." N