Athena's POV MEDYO MADILIM pa nang lumabas ako ng hotel. Kaya nagmamadali akong sumakay kaagad ng trysicle para diretso na sa bahay. Ngayon din ay aalis kami ng mga anak ko. Ngayong alam na ni Hades na buhay ako at ang anak namin ay baka hindi na maghihintay ng ilang araw iyon at baka kukunin niya ang kambal. Nang makababa sa trysicle, halos takbuhin ko na ang patungo sa bahay. Kahit medyo mahapdi ang aking p********e ay hindi ko ininda iyon dahil gusto kong makaalis kaagad kami ng mga anak ko. Siguro hindi ni-lock ni Tiyang ang pinto kaya pagpihit ko ng doorknob ay bumukas naman kaagad ito. Nagpasalamat ako at hindi ni-lock ni Tiyang ang pinto. Kaagad kong pinuntahan ang kambal ngunit tulog pa ang mga ito. Inayos ko na lang ang mga gamit na dadalhin ko bago ko ginising ang kambal. Ka