Athena's POV Nang pihitin ko ang doorknob ay hindi ko ito mabuksan. Kaagad akong napalingon sa kaniya. "You can't open it dahil kamay ko lang ang pwedeng magbukas ng pintuan na 'yan." kaagad na sabi niya. Sinamaan ko kaagad ito ng tingin. "Buksan mo' to!" taas noo na utos ko sa kaniya. "Sino ka para utusan ako? Sabihin mo muna sa akin na ikaw si Athena! Nasaan ang triplets? Nasaan ang mga anak ko!" tiim bagang na tanong nito sa akin. Kulang na lang ay pisain na ako nito gamit ang kaniyang mga tingin. "Ilang beses ko ba sabihin sa 'yo na hindi ako ang babaeng sinasabi mo!" inis na sabi ko sa kaniya. Hinding-hindi ko sasabihin sa kaniyang ako si Athena. Alam niyang patay na ang Athena na kilala niya kaya maaaring maniwala siya sa kasinungalingan ko ngayon. Kaagad niyang hinablot ang ka