Athena's POV HINGAL NA HINGAL ako na umuwi sa bahay pagkatapos kong tumakbo at magtago sa hudas na nagbabalat ng kulay. Nasa pintuan na ako ng bahay ngunit habol pa rin ang hininga ko. Napayuko ako. Binabawi ang aking hininga. Sa takot kong makita ako ni Hades ay kung saan-saan ako dumaan para lang hindi niya makita. Kung saan - saan ako nagtago. "Mama?" napatingala ako ng marinig ang boses ni Alyana. Dala ang kaniyang manika na nakatingala sa akin habang pinagmamasdan ang aking mukha. "Ano po anyare sa inyo? Hinabol po ba kayo ng aso?" takang - taka na tanong sa akin ng anak ko. Ginulo ko ang kaniyang buhok. "Hindi lang aso anak mas masahol sa pa sa aso ang nakita ko." sagot ko tsaka ko siya hinawakan sa kamay para pumasok ma sa loob. Umupo kami sa sofa. Magkaharap kaming dalawa ha