Bwesit talaga mga mayayamang tao na ito! Porke't ganito lang tayo ay dapat na nila tayong paalisin sa mga bahay natin para lang patayuan nila ng kung anek anek na mga building." galit na sabi ni tiyang. "Hindi nila tayo madadala sa pagbabayad nila ng pera sa atin noh? Yung mga kapitbahay natin na mga mukhang pera ayun tumanggap na." nakapamewang na sabi ni tiyang bago lumabas ng bahay. Ako naman ay nakatanaw lang sa kaniya. "Wag naman sana kaming paalisin dito." pagdarasal ko. Narinig ko na lang nakipag-away na si Tiyang sa lalaking nag-aanounce sa labas. "Hoy! Bago kayo mag-announce ng kung ano-ano! Siguraduhin niyo munang pumayag na ba kami sa gusto niyo ha! Sabihin niyo diyan sa amo niyong negosyante hindi niya kami mapapaalis dito! Abnormal 'yang amo niyo!" nakapamewang na si