Athena's POV "Natukoy na rin kung kanino ang sunog na katawan na natagpuan sa abandonadong bahay! Si Athena Varquez. Hindi pa alam kung paano at sino ang sumunog sa kaawa-awang buntis na babae. Kung sino ang pamilya ng biktima ay maaari lamang po na tumawag sa numerong naka-flash sa screen." Hindi pa ako tapos sa pag-iyak, hindi pa nakaka-recover ang katawan ko sa pangyayari dahil sa nangyari. Habang pinagmamasdan kong mahimbing na natutulog ang triplets. Isang babae at dalawang lalaki. Hindi ko alam kung makakaya ko ang pagsubok kong ito pero kakayanin ko para sa tatlong umaasa sa akin. Hindi na natapos ang pag-iyak ko lalo pa nang mapanuod ko ang kalunos-lunos na balita. Bakit? Paano nasabing ako yung bangkay na nakita sa abandonadong bahay? Sino ang babaeng 'yon? Pinagmasdan ko uli