Someone's POV HUMINTO sa mismong harap ng Castillo de ancianos, kung saan nalalagi ang mga Elder at dito rin sila nagpupulong-pulong para sa usapin ng mga bawat distrito. Unang bumaba sa sasakyan si Scoth kasabay ni Torch. Bumaba naman sa sariling sasakyan si Darius gano'n din sila Zack at Stone na pinatunog pa ang leeg niya. Nakasunod naman sa likuran nila ang kani-kanilang mga pack. Lumapit ang beta ng bawat pack hinihintay lang ang bawat utos ng Alpha. "Ako ang unang papasok." Basag ni Scoth sa katahimikan. "Susubukan kong daanin sa matinong usapan ang mga Elder." "What? Hindi ba p'wedeng bakbakan na?" Si Stone. "If we must, pero kung hindi nila pakinggan ang pakiusap ko 'yon na ang senyales ng labanan. May kasalanan din ako rito dahil lumabag din ako," mahinahon na sabi n