Someone's POV "M-Mimi!!" sigaw ni Hades nang makita niyang bumagsak ang ina nito. Nang tatakbuhin niya ito para saklolohan ay sumigaw naman si Hera habang umiiyak. "Let go of me!" sigaw nito habang walang awat sa pagpupumiglas. Naikuyom ni Hades ang maliit na kamao. Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang unahing tulungan. If only he's stronger like his Dad... magagawa niyang iligtas ang kanyang kapatid at ang kanyang ina... if only. Dad, where are you? We need you now! Mariin siyang pumikit at tiim-bagang na nagdesisyon kung sino ang dapat niyang unang iligtas. Sa sitwasyon ngayon si Hera ang mas nangangailangan ng tulong. Naalala niya ang sinabi sa kaniya ng ina na sa lahat ng pagkakataon si Hera ang dapat niyang unahin at isipin dahil walang ibang p'wedeng asahan si Hera kundi s