Celestine’s POV NAGISING ako sa pakiramdam na para akong inuuga. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang kadiliman sa labas ng sasakyan ang sumalubong sa akin. Pabalik na pala kami sa mansion at hindi ko namalayan na binuhat ako ni Scoth pasakay sa sasakyan. May ngiti sa mga labi nang lingunin ko ang aking katabi. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang malingunan ko ito. Nawala ang ngiti ko sa mga labi nang si Cage ang nagmamaneho ng sasakyan. Kunot noong bigla akong napadiretso ng upo. “A-anong ginagawa mo rito? Si Scoth?” Naguguluhang tanong ko sa kanya. Mas lalong nangunot ang noo ko nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak namin. Hindi pabalik sa mansion. Muli ko siyang nilingon. “Cage, sagutin mo ang tanong ko! Nasaan si Scoth? A-at saan tayo pupunta?” Nagbuga ito n