Celestine's POV MAAGA pa lang ay naiayos ko na ang mga gamit ko para kapag nakabalik na ako mula sa pamamasyal ay handa na ang aking mga gamit para umalis. Kagat ang labing inilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Kahit ilang araw lang akong nanatili rito ay mamimiss ko ang kwartong ito. Pagkatapos kong kumain ay umakyat muna ako sa kwarto para siguraduhin na ayos lang ang suot ko para sa pamamasyal ko kasama si Cage. Isang red dress ang suot ko na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba at white chuck tailor para sa paa. Itinali ko na lang pataas ang buhok ko para hindi maging sagabal. Nang sa tingin ko maayos na ay bumaba na ako. Naabutan ko si Cage sa harap ng mansion habang nakasandal sa puting hummer. Abala ito sa pagtipa sa cellphone kaya hindi niya ako kaagad napansin. Kinailangan pang