"f**k!"
Sigaw pa nya, Lagot ako neto. Amputik naman oh! Bat ba kasi ako pa itong tanga tanga?
"So-sorry po sir"
Utal kong tugon
"Get inside!"
Sunget pa nyang tugon, di sya galit? Wee?
"Ba bakit po?
Hinila lang nya ako papasok at pagkatapos, iniwan lang nyang nakabukas yung pinto, di nya e -lock? Buti nalang talaga walang masyadong tao dito, anong gagawin mo sakin sir?
"Kunin mo yung isa ko pang damit dun sa closet ko"
Tugon pa nya,
Para naman akong aso na sumusunod sa utos nang amo nya, Ano ba gagawin nya?
"E -eto po sir"
Takot ko pang sabi kay sir, utal na utal,
"Take off my shirt"
Whaaaaaaat ?
"Pe- pero po, si sir"
Reklamo ko pa, ano ba gagawin niya? Maghuhubad sa harap ko? Nooo way! Loko loko ba sya? O baliw na nga sya?
"Take it off! Im your boss! Follow my command!"
Sunget pa niyang sagot,
Dahan dahan ko nalang na hinubad yung shirt na suot nya,
Napakagat labi nalang ako nang makita ko yaong abs nya, anak nang topa! Ang hot nya...
"Baka matunaw pa yan! Bihisan mo na ako"
Hinawi ko nalang yung tingin ko sa ano nya, ano ba to? Nakakailang eh, Bakit ako naiilang? Teka? Bakit nga ba? Ewan ko no! Baka dahil kay sunget. Ang hot kaya nya
Pagkahubad na nya, tumalikod nalang ako, di ko kaya kayang tignan siyang nakahubad, Nakakailang kaya! Namblublush na nga ako dito eh, Amputik talaga! Huhu
"Close the door"
Tugon pa nya, a -anooo?
"A- a ano po?"
Utal ko pa, kahit narinig ko yung sinabi nya, dapat kong siguruhin kung tama ba iyong narinig ko, close the door? Baliw na nga sya! Rerepin nya ba ako? Bakit? Bakit ako pa sir?
"Bingi ka ba? I said close the f*****g door!"
Galit pa nyang tugon,
"Pe -pero po si sir"
Nauutal parin ako! Kinabahan na tuloy ako reto.
Tinaasan nya lang ako nang kilay, wow! Taray!
Sinara ko nalang yung pinto tas nilock ko to, tas hinarap ko sya, sinuot parin nya yung damit na kinuha ko sa closet nya, he's so damn hot!
"Ano pang tinanga tanga jan!"
Aniya, habang nakatingin lang siya sakin , habang pinapawisan na ako nang todo rito.
Huhu! Nanginginig na talaga ako sa takot dito, di ko na alam ang pwede kong gawin, ewan ko, bahala na nga si hello kitty neto.
"Sir, hu -huwag po!"
Utal ko pang tugon
Unti unti lang syang lumapit sakin, tas nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko, waaaah! Sabi ko na nga ba eh.
"Sir huwag po, Maawa ka sakin!"
pagmamakaawa ko pa kay sunget, m******s din pala sya?
Mas nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko na yung hininga nya, what the f**k is he doin'? Baliw ba sya?
Pumikit nalang ako, akala ko kasi hahalikan na nya ako, ngunit may binulong sya sakin, Akala ko pa naman.
"Wag kang masyadong magiilusyon okay? Mga magaganda lang yung mga pinapapatulan ko"
Bulong pa nya sakin, ano daw?
Aba! Mayabang to ah? So ibig nyang sabihin? panget ako? Ganun? Cheeeee!
"Lumabas ka na nga sa office ko, Assumera! Tsupeeee!"
Tinulak lang nya ako palabas, yabang nya, Kung di ko lang sya boss eh? Nakoooo!
Nakakairita talaga eh.
Lumabas nalang ako sa office ni sunget, Ano ba to? Nakakahiya iyong inasal ko kanina sa harap ni sunget. Kaloka sya! Masyado tuloy akung nag aasume.
Dumaan yung ilang segundo, minuto, at oras, awkward parin ako kay sir, aba! Mahirap kayang kalimutan yung nangyari samin kanina, Nakakahiya talaga.
Sa tuwing magkatama yung mga mata namin, Agad ko naman itong hinawi, kahiya kaya. Soooobrang nakakahiya talaga, Nag mukha akong assumera sa harap nang boss ko...
Dumating yung five thirty kaya uwian na, Pero tulad nang sabi dun sa rule 'di dapat iwan nang secretary ang boss nya'
Pumasok nalang ako sa office ni sunget, ewan ko, pero pansin ko nga na di sya lumabas eh. Anyari sa mayabang na yun? maki puntahan na nga.
What the, Nakita ko sya na natutulog lang sa desk nya, anyari?
"Si -sir?"
Sabi ko pa, pero no response,
"Sir mat!"
Paulit kong tugon, but still, no answer.
Makilapitan na nga lang.
"Si-sir?"
Pansin ko na nanginginig siya, may sakit ba sya? pero bakit?
Hinawakan ko nalang yung leeg nya. Ang taas nang lagnat nya!
"A- anong oras na?"
Tumingin nalang siya sa relo niya.
"Si -sir? May lagnat po kayo!"
Sabi ko pa, okay fine, aaminin ko, Nag-alala na ako! Boss ko parin sya no.
"Ah, wala, Wala to. Umuwi kana, Lagpas alas sais na oh! Kailangan mo nang umuwi"
Mahina pa niyang sabi,
"Pero sir! Di kita kayang ewan dito na mag isa"
Nagulat nalang ako nang bigla syang hinimatay...
Inawat ko nalang sya. Ano ba to, Ang bigat!
Inalalayan ko nalang sya papuntang elevator, ihahatid ko na lang kaya sya sa condo nya?
Pagkarating namin sa parking, pinasakay ko na sya sa may passenger seat, at ako na ang nagmaneho papuntang condo nya.