Sumakay nalang ako sa kotse ng masunget kung boss, at di nagtagal, nakarating din kami ng companya,
Sumunod nalang ako sa yapak ni sunget, boss ko sya eh, Kaya dapat nasa likod lang nya ako at nasa harap ko lang sya. Tsss
Sumakay nalang kami sa elevator, 'bat ko pa ba sya nakasabay? Di ako sanay eh, Ang tahimik nya kaya, Mabibingi na nga ako dito eh, Di nya ata mapapatulan 'tong kabaliwan ko.
Biglang napawi yung attention ko sa phone ko, may tumawag ata? Makisagot na nga lang.
"He- hello babe?"
.
"Yes! Babe nasa trabaho ako ngayon"
.
"Ahmm, yes yes"
.
"Sige bye!"
.
"I love you too!"
Hinang up ko nalang yung phone ko tapos tinignan ko ulit si sunget, Nakanguso lang amg mukha nito, anyari?
"Give me your phone"
Pasunget pa nyang tugon,
Anoooo? Kukunin nya phone ko? ah este phone nya? Binigay na nya to eh! Dapat wala nang bawian,
"Pero si---"
Di na niya ako pinatapos,
"Im your boss! Follow my command! Give it to me!"
Galit niyang tugon
"Opo, ito na po!"
Halos manginginig na sa takot itong mga paa ko, umaataki nanaman ata ang tigre sa katawan niya
Nagdadalawang isip akong ibigay itong phone ko, ah este phone niya,
"Akin na nga!"
Inis pa nyang sabi, tas kinuha niya yong phone ko,
"Break hour, break hour, work hour, dapat work hour lang! Distorbo yung boyfriend mo eh!"
Ahhh! So ganun?
"Palibhasa loveless ka"
Bulong ko sa sarili ko
"Anong sabi mo?"
Ay takti! Narinig pala nya iyon? Napalakas ata bulong ko eh,
"Ahmm, wa- wala po sir, sabi ko po ang pogi nyo"
Pambobola ko pa, pero, joke lang! Sarap bolahin eh.
"Buti alam mo!"
Pagmamayabang pa nya, Nambobola lang naman ako ah. Paniwala naman sya? Bahala na nga sya sa buhay nya, Boss ko lang sya. Paki ko sa masunget na to? belat!
Nagpatuloy parin yung elevator,
Biglang nanlaki yung mga mata ko nang nag stock, Bakit nag stock? Brownout ba? Wala ba silang generator dito?
Tinignan ko nalang si sunget, Halatang takot din sya, Duwag pala to eh, akalain mo nga naman.
"Secretary! Come here!"
Tugon nya, bhelat!
Di ko nalang sya pinansin, bahala sya sa buhay nya, Kung takot siya sa dilim, Edi wow!
Humanda ka sakin ngayong masunget ka
Napansin ko nalang na unti unti na pala syang lumapit sakin,
"Sir? Are you afraid of darks?"
Pang-aasar ko pa,
"Oy! Di ah, Sinong may sabi?"
Unti -unti lang siyang lumayo sakin,
"Multooooooooo!"
Sigaw ko pa habang tinuro ko yung sa bandang likuran nya,
Napayakap nalang sya sakin, sa di ko inaasahan, nahawakan ko yung tiyan nya, Ang laki din pala nang katawan nya ano? May abs ata,Pero duwag nga lang,
"So sorry"
Awkward niyang tugon Nakakatawa yung reaksiyon niya,
Kitang kita ko sa mga mata niya ang takot
"Di pala takot ah? Okay, Sabi mo eh"
Tawa ko pang sabi,
"Akin na nga yung phone ko"
Kinuha ko nalang yung phone na binigay nya sakin, sorry nalang sya. Binigay na nya to eh, Wala nang bawian yun.
"Paano kung ayaw ko?"
Tinaas nya yung kamay nya, Ano ba pinaggagawa nya? Di ko tuloy maabot yung phone, Kainis sya! Sarap upakan eh.
Pinilit ko nalang na abutin yung phone kahit na malabo, eh? Ang tangkad kaya nya.
Habang inaabot ko yung phone, sari- sari nalang ginawa ko, minsan napatalon ako, napasigaw at hinila ko yung damit nya, Siya naman? todo sa pagtaas, Sarap talaga upakan...
Biglang nanlaki yung mga mata ko nang natumba kami, Waaah! Ang kulit mo kasi sunget eh! Yan tuloy.
Nakapatong ako sa itaas nya, ramdam ko yung tigas nang katawan nya ,
We paused in a few moments mula non, Ewan ko, pero parang iba na to eh
Napatingin nalang ako dun sa labi nya, ang ganda ,Good kisser kaya sya? Ayyy mali! Ano ba to? Ano ano nalang iniisip ko eh
Pumikit nalang ako, ramdam ko yung labi nIya na nag touch sa labi ko, damn! Good kisser nga sya!
Were kissing,
Bumitaw nalang ako sa halik na iyon, pero pinigilan nya ako,
"I'm your boss! Follow my command! Kiss me? Or you'll die?"
Pagbabanta pa nya,
Hinahayaan ko nalang sya na halikan ako,
Di namin namalayan, bumalik na pala yung ilaw tas nagsimula na sa pagandar yung elevator,
Pagkarating namin sa fifth floor, lumabas agad kami sa elevator, Mahirap mang aminin, pero awkward kami sa isa't isa, Ewan ko kung bakit? Bakit nga ba?
Pagkalabas namin sa elevator, unang bumungad samin yung mga staff, anyari?
"Si sir! Okay lang po ba kayo?"
Tanong nang isang babae, Bakit? Alam kaya nila na? Na duwag ang boss nila?
Dumetetso nalang kami sa office ni sunget, awkward parin kami dito, halos mabingi na ako sa katahimikang bumugad sa'min.
"Make me some coffee!"
Tugon nya,
Pumunta nalang ako sa cafeteria, caramel daw favorite cofee nya eh, So edi caramel...
Pagkatapos kung bumili, dinala ko agad ito kay sunget,
Binuksan ko nalang yung pinto nang office nya...
Laking gulat ko sa nakita ko,
Natapunan ko nang coffee si sungeeeeeeet!
Lagooooot...