Chapter 13 Sashna’s pov: “Whatever you hate about me, fine! I'm sorry! Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang itigil mo na ‘yang pagmamaktol mo?” kunot-noo kong tanong sa kanya. Nawala ang bakas ng pagkairita sa kanyang mukha at bigla siyang humarap sa akin sabay kabig sa aking bewang palapit sa kanya. “Kiss me.” Nang marinig ko ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko iyon inaasahan pero hindi na ako nakaangal ng agad niyang hatakin ako at ipaglapat ang aming mga labi! Uhmnnn!!! Dilat na dilat ang mga mata ko at tila ba huminto ng sandali ang oras pati na rin… ang pagtibok ng puso ko. Heto na naman, ‘yong matamis at malambot niyang mga labi! B-bakit? Bakit parang gusto kong ipikit ang mga mata ko at damahin pang lalo ang masarap niyang h