Hide and Seek

2064 Words
Chapter 12   Sash’s pov:               Sinubukan kong habulin sila Aira at Aeb pero hindi ko na talaga sila nahanap kaya nagdesisyon akong ang Information Desk na lang ang aking puntahan ngunit hindi ko rin alam kung nasaan ito. Madalas naman ay nasa bungad lang ito ng isang gusali pero nang tignan ko do’n ay wala naman akong nakita. Palingun-lingon ako para makita ko ang Information Desk ngunit sa dami ng mga   estudyanteng pakalat-kalat ay hindi ko ito maabot ng aking mga paningin. Nasaan na ba kasi ‘yon?   … … …   “Ah, sh*t!!!” hiyaw ng isang lalaki ng mabangga ko siya.   Kakatanaw ko kung nasaan ang Information Desk ay hindi ko sya napansin kahit na… napakalaki niyang tao! Oh no!             Napahinto ako sa paglalakad at napatanga sa kanya, “S-sorry! S-sorry! Hindi ko sinasadya! Hindi kasi kita nakita!”               “Ano? Naliliitan ka ba sa aking babae ka ha? Ginagalit mo ba akong talaga?! Ha!” nanggagalaiti miyang sabi.               Napahakbang ako paatras dahil sa takot ngunit humakbang din siya palapit sa akin! Kumakabog na naman sa takot ang puso ko. Heto na naman! Natatakot na naman ako! Anong gagawin ko!?               “H-hindi, hindi ko talaga sinasadya!” nanginginig kong sabi.               Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit na ang totoo ay nakakatakot talaga ang itsura niya! Parang piling ko ay papatayin niya ako sa mga titig niya sa ‘kin na ’yon.               “Sinasadya o hindi, wala akong pakealam,” sabi ng halimaw na lalaki at hinablot niya ang kwelyo ng damit ko at bahagya akong iniangat. “Anong rank mo!? Ano?!”               Hindi ako makahinga ng maayos at napapangiwi na lang ako sa hirap huminga. H-hindi, ano na naman ba itong gulong napasok ko? Rank? Anong pinagsasabi niyang rank? Uhmn! Ahh!               “Kinakausap kita, ANONG RANK MO SABI EH!” hiyaw niya sa akin.               Kahit nahihirapan akong huminga ay nagawa ko pa rin na igala ang mga mata ko upang makahanap ng paraan para makawala sa kanya. Iginalaw-galaw ko ang binti ko dahil hindi na ito sumasayad sa lupa, kapag nagpatuloy ito ay siguradong mamamatay ako! Urgh!               Nilakasan ko ang loob ko at hinawakan ko siya sa kanyang balikat na kanyang kinagulat.               “h’wag mo akong sigawan, HINDI AKO BINGI!” hiyaw ko at sinipa ko siya do’n… do’n sa ano nya! Basta ‘yon!               “AHHH!” hiyaw niya at naihagis niya ako pero naibalanse ko ang katawan ko at hindi naging gano’n kasakit ang aking pagbagsak.               Pinagtinginan kami ng ibang mga estudyante dahil sa sigaw niyang ‘yon pero parang kahit isa sa kanila ay wala namang balak na makealam. Ang ilan ay natutuwa pa sa paghiyaw sa sakit ng halimaw. Tzk! Ano ba kasing klaseng paaralan ‘to?               “W-walang hiya kang babae ka!!! Humanda ka sa ‘kin, pupulbusin kita!!!” hiyaw niya hang nakaluhod at namimilipit sa sakit ng kanyang ano. Oo, ‘yon!               Bakit nga ba hindi siya mamimilipit e patulis ang dulo ng sapatos ko! Huh, good luck na lang sa kanya kung hindi ‘yon nabasag! Hmp!   Habang namimilipit pa siya sa sakit ay sinamantala ko ang pagkakataon na makatakbo at makalayo sa kanya. Pero, uhmn… ang hirap pala tumakbo kapag ganito ang suot na palda! Buti na lang at walang taking ang sapatos ko kung hindi ay siguradong natapilok na ako!   “Habulin niyo ang abbaeng ‘yon, mga tanga!” sigaw ng halimaw na lalaki sa kanyang mga kasamahan at pinilit niyang makatayo.   Naloko na!   Tumakbo ako paakyat ng gusali. Hindi ko alam kung saan ako lulusot o magtatago kaya umakyat na lang ako ng umakyat sa bawat palapag ngunit kahit na nasa pinakamataas at huling palapag na ako ay naririnig ko pa rin ang mga yabag ng paa nil ana humahabol sa akin. Kinakapos na ako ng paghinga at natataranta na ako dahil wala na akong matakbuhan! Saana ko magtatago?   “BUMALIK KA DITO, WALANG HIYA KA!” hiyaw ng halimaw.   “Lagot! Paano na?!” sabi ko sa sarili ko.   Palingun-lingon ako sa paligid ngunit wala akong ibang naisip kung hindi magtago sa isa sa mga kwarto doon. Sinubukan kong buksan ang mga pinto ngunit lahat ay nakasara!   Patay— uhmn!!!   “Shhh!!!” narinig kong sabi ng taong nagtakip ng bibig ko mula sa aking likuran at hinatak ako papasok ng kwarto.   Ugh, ang pabangong ito… pamilyar sa akin ang amoy na ito!   … … …   Napakadilim ng kwartong pinasukan naming at dahil nasa likuran ko ang taong tumulong sa akin ay hindi ko makita ang kanyang mukha. Sa tingin ko ay nasa stock room kami dahil ang daming gamit na nakatambak doon at napakasikip!   “Nasaan ang babaeng ‘yon!?” boses iyon ng halimaw na lalaki na nabangga ko kanina!   “Hanapin niyo! Nand’yan lang yan sigurado sa isa sa mga kwarto!” sabi ulit ng halimaw at narinig ko na ang mga yapak ng mga kasamahan niya na naglakad papunta sa mga pinto at sinubukang buksan ang mga ito.   Hindi ko naman maiwasang lalong kabahan ng makita kong pinupwersang buksan ang hawakan ng pinto na aming pinagtataguan. Napapikit na lamang ako sa sobrang takot at panginginig kasi pakiramdam ko ay katapusan ko na kapag nabuksan niya iyon.   … … …   “Chill,” he whispered then he removed his hand from my mouth and slowly intertwined our fingers. “I’m here.”   Nang marinig ko siyang magsalita ay huminto ang puso ko sa pagtibok. Nawala na lang ang takot at kaba na nararamdaman ko pero… may kung anong kakaibang pakiramdam ang pumalit dito.   Ang… ang boses na ‘yon, ang boses na ‘yon ay kay…   “Aizen?” pabulong kong tanong nang harapin ko siya.   “Missed me?” he smirked.   Kahit na madilim sa kwarto ay nakikita pa rin siya ng aking mga mata. Siya nga… siya nga si Aizen! Biglang dumagundong sa bilis ang puso ko pero hindi na dahil sa takot at pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ito, lalo na ng pisilin niya ang aking kamay na nakahawak din sa kanya.   A-ano bang— Eh!? Bakit kami magkahawak ng kamay?   Nagtikom ako ng bibig at aalisin ko sana ito dahil naiilang ako pero bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak.   “Shhh!” he said again.   Tumunog ang school bell, senyales na malapit na magsimula ang klase! Naku po lagot na! Haayyy, ayaw ko sanang mahuli sa unang araw ng klase ko pero kasi… huhuhu! Bakit ba ang lapit ko sa gulo? Ang malas ko atang talaga!   “Boss! Malapit na magsimula ang klase, mahuhuli tayo!” sabi ng isa sa mga lalaki na kasamahan ng halimaw.   “Sige, may naisip ako! Ahahahha,” sabi ng halimaw. “Kalangan ng mga upuan ang bawat pintuan! Ewan ko na lang kung makalabas pa ang dagang ‘yan! Ahahahah!”               Nangunot ang noo ko sa pangamba. Paano kung makulong na kami talaga dito at hindi kami makalabas? Paano na ang unang araw ko sa klase? At mamayang uwian? Paano ako uuwi?   Lagot ako kay Prime nito! Haayyy!   Narinig ko ang mga paghatak nila sa mga upuan at ang malakas na pagkakasalpak nila sa upuan sa pintuan ng kwarto kung nasaan kami naroon. Mukhang hiarangan nga nila, paano na?   “Tayo na! Kapag nakita ko ulit ang dagang ‘yon… hinding hindi ko na talaga siya pakakawalan! Pweh!” sabi ng halimaw at base sa mga yapak nila ay pababa na sila ng hagdan. Ilang segundo pa ay wala na akong naririnig na kung anong ingay sa labas. Mukhang nakaalis na nga sila!   “Now you’re safe! I think you should thank me again,” Aizen said casually then he turned on the lights.   Nagsalubong ang mga kilay ko. Sira-ulo siya!!!   “Safe? With you? I’m still not! Mukha bang safe ‘to? Hindi ba dapat nasa klase na ako? Nag-aaral? Pero nasaan ako? Nandito sa isang masikip na kwarto… kasama ka! Is that what you called safe, huh?” I almost screamed in anger.   Binitiwan nya ang kamay ko at hindi ko alam pero parang may kung anong kumurot sa dibdib ko pero binalewala ko na lang dahil sa inis. Tzk!   “Napakaingay mo! Paano kung nand’yan pa sila sa labas? Isa pa, ako ba ang may kasalanan na tanga ka? Ang laki-laki no’ng tao hindi mo nakita?” sabi niya na para bang wala naman talaga siyang pakealam.   Urgh! Teka nga, kung gano’n, kanina niya pa ako nakita? Pero bakit hindi niya ako agad tinulungan? Bwiset na ‘to!   “Nakita mo na pala ‘yong nangyari kanina bakit hindi mo ako tinulungan?!” bulyaw ko sa kanya.   “Hindi ba tulong itong ginawa ko? Teka nga, nagpasalamat ka na ba?” tanong niya na naniningkit pa ang kanyang mga mata. “Such a pain!”   Narinig ko na naman ang muling pag tunog ng bell, lagot na talaga! Late na ako nito!!! Haizt!   Hindi ko na siya pinansin at sinubukang buksan ang pinto. Pinihit-pihit ko ito at itinulak ng buo kong lakas… pero… pero hindi ko pa rin mabuksan!   Parang balewala naman kay Aizen kung mahuli kami sa klase o hindi. Nakasandal lang siya doon at kumuha ng isang libro. Nagsiliparan ang alikabok sa hangin nang hipan niya ang ibabaw ng libro pagkatapos ay kalmado niya itong binuksan at nagsimula siyang magbasa.   “Aizen! Ano ba? Hindi mo ba ako tutulungan dito?” inis kong sabi sa kanya habang pinipihit-pihit ang doorknob.   Hindi niya ako nilingon o sinulyapan man lang at nagpatuloy siya sa pagbabasa ng tahimik na para bang walang naririnig.   “AIZEN!” tawag ko ulit sa kanya.   “Ayokong tumulong sa walang utang na loob,” sabi niya habang nakatutok ang mga mata sa librong hawak niya.   Naibagsak ko ang mga balikat ko bilang senyales na suko na ako kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. Ano ba kasing dapat kong ipagpasalamat? Eh kung hindi naman niya ako dinala sa mansion, hindi ako mapupunta dito! Haayyy!   “Fine! Thank you! Thank you for helping me, happy?” I forced myself to say it. “Now, can you call Dylan to help us? As in right now!?”   Malakas na isinara ni Aizen ang libro at inilapag sa mesa na sinasandalan niya. He put his hands in both pockets of his pants then he pursed his tempting lips. Sh*t! Why is he so handsome at that look!? Sheez!   Teka, galit ba siya? Nagpasalamat naman ako ah? Ano pa bang gusto niya?   “Why would I call him? Is he here at the Academy? He's not here, is he? Idiot,” he said that made me realized that he’s right, I’m an idiot! F*ck!   Bakit ba kasi si Dylan ang naisip ko? Wala nga pala kami sa mansyon! Haizt! Ang tanga ko talaga!!!   “Then, then call someone else! Call the instructors or helpers here at the Academy you know! It’s impossible you don’t know anyone here, isn’t it?” I panicked.   “Ayaw, wala akong cellphone,” sabi niya at nag-iwas ng tingin.   “AIZEN NAMAN EH! Gusto mo ba talagang makulong tayo ditong dalawa?” naiirita kong tanong sa kanya.   Nakakunot naman ang kanyang noon at parang batang nagtatampo. Hala sya, ano ba kasing ginawa ko at nagkakaganyan siya?   Kainis naman talaga oh! Ano bang gagawin ko?   Humakbang ako palapit sa kanya at sinilip ang kanyang mukha para tignan niya ako.   “Aizen, please? Gusto ko na talagang lumabas dito eh,” pagsasabi ko ng totoo.   “I can get you out of here if I want to, I can throw you out the window,” he said and it was still obvious that he was annoyed with me.   “Whatever you hate about me, fine! I'm sorry!” I said because I was really desperate to get out. “Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang itigil mo na ‘yang pagmamaktol mo?”   Biglang nawala ang ekspresyon sa kanyang mukha. Napakalapit ko sa kanya kaya nang humarap siya sa akin ay hindi ko maiwasang magulat.   He quickly grabbed my waist and pulled me towards him.   “Kiss me.”   W-what— Uhmnnn!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD