Chapter 6
Sashna’s pov:
“Sino ka para katakutan ko?!” matapang kong sabi sa kanya.
Tila nagulat naman siya sa sinabi ko at agad na naglaho ang nakakakilabot nyang anyo. Ilang segundo din siyang natigilan habang nakatitig sa akin na para bang namamangha? Bakit? Ano ba ang nasabi ko?
“Ahahahahaha! Mabuti naman!” sabi ng nakakairitang lalaki habang tumatawa. “Kung gano’n… tara, maglaban tayo!”
Ha?!
Anong pinagsasabi niya? At teka nga, pagkatapos niya akong titigan ng masama ay bigla na lamang niya akong pagtatawanan? Nababaliw na ba siya?
“Kuya! Bakit siya ang lalabanan mo? Bakit hindi po ako?” pagrereklamo ni Clarence.
Nilingon siya ng nakakairitang lalaki at ginusot ang kanyang buhok habang nakangiti.
“Hindi ba pinagalitan ka na ni Ate Sashna mo? Gusto mo bang pagalitan ka niya ulit?”
Sinulyapan ako ni Clarence na tila ba nadismaya at nalungkot. Haayyy!
“Kaya, kami na lang ang maglalaban. Akala ko ba gusto mong makita kung gaano ako kagaling?” pambubuyo pa ng lalaki.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit dinadamay nya ako sa kalokohan niya? Hmp!
“At bakit naman kita lalabanan?” pabalang kong tanong.
Muli niya akong binalingan ng tingin at ang nakakainis niyang ngiti ay gumuhit na naman sa kanyang mapang-akit na mga labi. Tzk!
“Akala ko… gusto mong malaman kung sino ako?” sabi niya.
Eh? A-ano? Sinong nagsabing interesado ako sa kung sino siya? Hmn, sabagay hindi ko nga pala alam kung ano ang pangalan niya pero… pero kahit na! Hindi iyon sapat na dahilan para patulan ko ang kalokohan niya!
Tumalikod ako sa kanya at akmang babalik na sana patungo sa bahay nang bigla na naman siyang nagsalita, “Akala ko ba… hindi ka natatakot sa ‘kin?”
Napahinto ako sa paghakbang at sandali din na natigilan. Ano ba kasing pinupunto ng lalaking ito? Unang-una ay hindi naman ako marunong lumaban at ikalawa… seryoso ba siya? Lalabanan niya ako?
Hinarap ko siya na halos magdikit na ang mga kilay ko, “Ano ba ang mapapala mo kung lalaban ako sayo? Hindi ako marunong lumaban at isa pa, babae ako!”
“Alam kong babae ka! Nakita ko na diba?! Ahahahah!” pang-aasar niya.
Nagsimula na namang umusok ang tenga ko sa inis nang maalala ko ang kahihiyang iyon. Patulan ko na kaya siya para magkaroon ako ng pagkakataong masapak man lang siya kahit isang beses? Naku!
“Madali lang naman ang laro, kailangan mo lang akong patamaan nito,” sabi niya at inihagis sa akin ang laruang espada ni Clarence na agad ko namang nasalo. “I won't retaliate or fight so maybe you can hit me at least once?” he smiled as sweet as he can. Sh*t!
“Pero kuya! Anong klaseng laban ‘yon kung di ka naman lalaban?” tanong ni Clarence sa kanya.
“You’ll see!” the guy winked.
Hindi pa rin ako kumbinsido. May binabalak ba siyang kung ano o gusto lang niya talaga akong inisin kapag natalo ako?
“So, what’s your decision?” he asked confidently.
I wonder if I will allow this nonsense or not. Jerk!
“At anong mapapala ko kung papatulan kita?” mataray kong tanong.
“Ahmn, let’s see. Maybe… I’ll tell you my name,” he grinned.
I frowned, “Who cares about your name?”
Bigla naman nagtaasan ng kamay ang dalawang bata na ikinataka ko. Eh?
“Ha? B-bakit? H’wag nyong sabihing hindi nyo alam ang pangalan niya? Hindi ba’t kapatid nyo sya?” pagtataka ko.
“Hindi po namin siya kapatid,” sagot ni Clarisse.
Ano? Hindi ko maiwasang magulat sa sinabi niya.
“Hindi din po talaga namin alam ang pangalan ni kuya kasi po sa tuwing maririnig namin siyang magpapakilala sa ibang tao, iba-iba pong pangalan ang sinasabi niya,” dagdag ni Clarence.
Ha? Napatingin ako sa lalaking bahagyang nakangisi sa aking harapan. Anong pinagsasabi nila? Sino ba talaga siya? At kaanu-ano niya ang mga batang ito?
“Now, are you… interested on me?” his smile widened up.
Tumalim ang tingin ko sa kanya. Mukhang dapat ko talagang patulan ang nakakainis na lalaking ito!
“Eh paano kung matalo ako? Anong kapalit nito?” tanong ko.
"Ah sandali. Mmn? Fight me first… and then we'll know," he answered.
Hmn? What does he mean by ‘we’ll know’? He’s so annoying! I took a deep breath before breaking Clarisse's embrace with me. I gripped the wooden sword tightly and faced him bravely. “Then prepare yourself!”
“Good. So, here’s the additional rule,” he said.
Additional rule? Ano naman kaya ‘yon?
…
…
…
"Bad words are not allowed to be said. Any cursing words are also counted," he said before putting his hands in his side pockets.
“Ano?” taas kilay kong tanong.
“Bakit? Mahirap ba ‘yon? Ahahahah,” tawa niya.
Sira talaga ang ulo ng lalaking ‘to. Hmp! Akala nya ba mapapasabi niya ako ng masamang salita ng gano’n kadali? Kaya kong kontrolin ang bibig ko!
Hindi na ko muli pang nag-isip. Ang mahalaga lang naman ay matamaan ko sya kahit isang beses. Bahala na!
“Fine! Hyah!”
Sinimulan ko siyang sugurin ng laruang espada. Tumakbo ako papunta sa kanya at sinubukang ihampas sa kanya ang laruang iyon ng buo kong lakas. Sunud-sunod na pag-atake ang aking ginawa. Gusto ko talaga siyang tamaan pero hindi ko alam kung bakit sa bawat paghampas ko ay agad niyang naiiwasan ang mga ito na para bang nababasa niya ang mga galaw ko. Sabagay, isa syang Mafia kaya siguradong sanay na sanay na siyang lumaban! Pero, hindi ako papadaig, kailangan ko siyang matamaan! Makaganti man lang sa mga kalokohan niya at sa paninilip nya sa katawan ko! Hmp!
“Is that all that you’ve got? How cute,” he teased.
As if I would curse him for that, you wish you pest!
Nagpatuloy ako sa pag-atake sa kanya. Sinubukan ko rin siyang suntukin sa mukha pero ipinaling nya lang kanyang leeg at naiwasan nya ito. Kainis!
Pinanunuod lamang kami ng kambal sa tabi at tahimik lamang na pinagmamasdan ang laban namin ng nakakainis na lalaking ito. Sa lawak ng bakuran ay halos maikot na namin ito kakasugod ko sa kanya ngunit kahit daplis man lang ay hindi ko talaga siya matamaan! Napakaliksi niyang kumilos at tila ni hindi man lang siya pinagpapawisan sa ginagawa niyang pag-iwas samantalang ako ay hingal na hingal na ay hindi pa rin nakakatama. Tao ba talaga ang lalaking ito?
“Oh ano, nagagwapuhan ka na naman sa akin? Ahahaha,” sabi niya nang mapansin ang mga mata kong titig na titig sa kanya.
“Asa ka pa, hindi kita type ‘no! Hyah!” sagot ko sabay hampas ng kahoy na espada ngunit agad na naman niyang naiwasan. Asar!
“Aw, hindi naman kita nililigawan pero bina-busted mo ako agad? Ahahaha,” sabi niya na na ikinapula ng mukha ko.
“Bakit, manliligaw ka?! Wala kang pag-asa! Hah!” gigil kong sagot bago siya sipain sana sa sikmura ngunit tulad ng mga una kong pag-atake ay mabilis nya lang itong naiwasan.
“Hmn, sa totoo lang hindi!” sabi niya at bahagyang bumulong sa aking tenga, “ayoko sa babaeng maliliit ang dibdib! Ahahaha!” Tumawa siya ng mapang-asar at kaagad na tumalon para maglambitin na parang sirkero sa sanga ng punong nasa itaas namin.
“B-bastos!” hiyaw ko ngunit hindi ko siya nahagip man lang. Urgh! Kainis talaga!
Iniugoy niya ang kanyang katawan habang nakalambitin sa sanga at saka tumalon sa mahabang upuan na nasa aking likuran. Nagtagis ang mga ngipin ko sa kahihiyan. Anong sinasabi niyang maliit ang dibdib ko? K-kasinungalingan! Tch!
Mukhang wala akong pag-asang madampian man lang kahit ang manggas ng kanyang damit sa bilis niyang umiwas pero… pero gusto ko talaga siyang sapukin dahil sa mga pang-iinis niya sa akin! Hindi ako papayag na hindi man lang makaisa sa kanya! Lagot siya sa ‘kin!
He put his arms around his chest and stared at me before grinning again. “You know what? Bagay pala sayo ang T-shirt ko.”
Hmn? Napakunot ang noo ko at napatingin sa suot kong damit. Kung ganoon ay sa kanya ito?
“Pero… mas bagay pa rin sayo kapag wala kang suot!” dagdag niya at inilabas ng kaunti ang kanyang dila upang asarin ako lalo.
“Walang-hiy—,” napahinto ako sa sasabihin ko nang maalala ang karagdagang patakaran. Hmp! Mukhang alam ko na ang ginagawa niya, sinasadya niyang asarin ako para magalit ako at murahin ko siya! Huh, kaya pala!
“Ano ‘yon? Ahahahah,” tawa nya pa.
Huminga ako ng malalim at pinilit pakalmahin ang sarili ko. Kahit anong mangyari dapat ay hindi ako makapagsalita ng masamang salita!
“Alam ko na ‘yang ginagawa mo kaya iniinis mo ako! Do you think I'll curse you for teasing me like that? Akala mo lang’yon pero hindi ‘yan mangyayari!” sabi ko na may apoy sa aking mga mata.
“Okay, tignan nati—” pinutol ko ang kanyang sasabihin nang bigla ko na lamang isibat sa kanya ang hawak kong laruang espada.
Tila hindi naman niya inaasahang gagawin kong iyon. Nakaiwas siya sa espada ngunit agada kong tumakbo papunta sa kanya at sinipa ang tinutungtungan niyang upuan. Nawalan siya ng balanse at napahiga sa damuhan. Agada kong pumaibabaw sa kanya at hinablot ang parte ng kanyang damit sa may leeg.
“Ano ka ngayon!?” pagyayabang ko sa kanya dahil naisahan ko siya.
Ngunit tila kampante pa rin siya dahil bahagya pa rin siyang nakangisi. Minamaliit nya baa ko?
“I didn't know you were so aggressive! But it’s fine, I love this position! Ahahahah,” he taunted.
Eh? W-what position? Me on his top? Urgh! He really is a pervert!
“Clarisse! Ang espada!” sigaw ko para iabot niya sa akin ang laruan na inihagis ko kanina.
Nangunot ang noo ng lalaki, “hindi ba pandaraya ‘yan?”
Ngumisi ako sa kanya at tinaasan ko siya ng isang kilay. “There is no rule against asking for help!”
“Ow, I see. So, I guess… I can do this,” he said before he pulled my head closer to him and… kissed my lips.
Naidilat ko ng husto ang aking mga mata nang maramdaman ko ang tamis at lambot ng kanyang labi na nakalapat sa aking bibig. Hindi ako nakakilos, tila huminto ang oras sa paligid ko ngunit ang puso ko ay biglang nagwala at tumibok ito ng sobrang bilis!
A-ano… b-bakit… Mmn!
“Aahhh!!!” hiyaw ni Clarisse nang makita ang ginawa sa akin ng lalaki.
“Shh!!!” ani Clarence at tinakpan ang bibig ng kapatid.
When I remembered the twins, I immediately pushed him away from me. “Ow sh*t!!!”
I was so shocked. I stared at him and I felt like I couldn’t breathe because of the excessive speed of my heartbeat. I raised my hand and was about to slap his face but he stopped my hand right away.
As he held my hand, his seemingly deep ocean eyes were also staring at me seriously. A little smile gradually appeared on his face before he spoke again, "You lost, Sashna!"
I slowly realized… that he did that on purpose. Why didn’t I think of that quickly? Why… w-why did my heart go crazy just because of that… kiss? I look like a fool! Sh*t!
I frowned as I lowered down my head before standing up. I was ashamed to feel that embarrassment because I know that everything is just a game for him. I stopped speaking and just became dumbfounded to the ground.
He also stood up but I still didn’t know what to say. I'm sure he'll tease me even more because I look like an idiot!
"Maybe it’s just right that we introduce ourselves properly,” he said and held out his right hand in front of me. “I’m Aizen.”
Napatingin tuloy ako sa kanya dahil sa pagtataka. Teka, nanalo sya hindi ba? O baka hindi na naman totoo ang pangalan na ‘yan?
Nilingon ko ang mga bata at mukhang naintindihan nila ang katanungan sa isip ko ngunit nagkibit-balikat lamang sila.
Nag-aalangan akong abutin ang kanyang kamay. Sinuri ko ang kanyang ekspresyon ngunit tila sinsero naman ang kanyang pagpapakilala at walang halo ng pang-iinis. O baka akala ko lang ‘yon?
Since he still seemed to be waiting, I just ignored my doubt and gently reached out my hand to him.
“I’m Sash—”
"I'm Aizen and you... are mine!" he smirked.