Fetch

1863 Words
Chapter 7 Dylan's pov:         Mag-aalas nuwebe na ng umaga, katatapos lamang namin mag-usap ni Vishnu para sa isang panibagong misyon ngunit hindi ko pa iyon magagawa dahil wala pa ang kumag na si Prime. Haayyy, ang aga-aga ay pinasasakit ng baliw na ‘yon ang ulo ko!           Naglalakad ako papunta sa pasilyo papunta sa kwarto ni Prime. Sa ikatlong palapag ng mansion makikita ang kwarto ni Prime at katabi nito ang dalawa pang kwarto. Sa kaliwang bahagi mula sa hagdan ay ang kwarto ni Venice, ang Queency. Sa pagdaan ko sa pasilyo ay wala akong narinig na ingay mula sa kanyang kwarto. She probably didn't come home last night and got drunk again somewhere. Whenever she was here, I always heard her yelling at the maids and butlers just because of something worthless.           When did she start to be like that? I don't know that woman anymore. I frowned at my thoughts. Tzk!           Sa kanang bahagi naman ay ang pintuan ng kwarto ng Harriet ngunit kailanman ay hindi pa niya ito natulugan. Ang itinakdang Harriet ay ang anak ng dating kanang kamay ni Vishnu na si Shiva ngunit ng maparusahan ito ng kamatayan, ang lahat ng detalye tungkol sa kanyang pamilya ay nabura. May mga nagsabing may sadyang nagbura nito ngunit bakit naman kaya?               Dalawang taon na ang nakakalipas, tandang-tanda ko pa kung gaano kahusay si Shiva dahil minsan nya na rin na ginabayan ang aking pagsasanay at isinama nya na rin ako noon sa isa sa kanyang mga misyon kaya hindi ko talaga lubos maisip kung paano siya naging traydor sa organisasyon. Napakalaking palaisipan para sa akin iyon dahil mas hinahangaan ko talaga siya kaysa kay Vishnu.               Sa dulo ng pasilyo naman ang kwarto ni Prime. Malakas ang kutob ko na nakauwi na ang sira-ulong ‘yon. Huh!               Nagpatuloy ako ng paglalakad hanggang sa marating ko ang kanyang pintuan. Kumatok ako ng dalawang beses at naghintay ng kanyang sagot.               “Come in!”             Sabi ko na nga ba at nandito na siya. Pumasok ako sa kanyang kwarto at naabutan ko siyang nagbibihis at tila kakasuot lamang ng kanyang maskara.   "Kakauwi mo lang?" tanong ko.   Nilingon nya ko at kahit hindi ko nakikita ang mukha nya alam kong nakangisi sya at pinagtatawanan ako.   "Ahh, oo! Anyway, kamusta ang party!? nag-enjoy ka ba!?" pangaasar nya na may halong mahinang tawa.   "Sira-ulo ka talaga! Wala ka bang balak tumigil sa pagtakas mo? May pasok ka na bukas, tatakasan mo na naman ba ko!?" naiirita kong tanong. Bigla naman siyang tumawa ng malakas at naglakad palapit sa akin. "Don't worry I won't run away again! And that… is for sure!" he said and patted my shoulder.             Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Siya? Hindi tatakas? Imposible. "Dylan, magpapunta ka ng tatlong tao sa bahay ng matanda,” utos niya.   Sa tono tono ng kanyang pananalita ay parang ang saya ng kumag na ito. Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa niya kahapon?               “Doon ka ba galing kahapon? May nakalimutan ka ba doon na gusto mong ipakuha?” tanong ko ulit sa kanya.               “Oo, may naiwan akong isang mahalagang pag-aari doon,” sagot niya at tumingin sa bintana. “Sabihin mo sa kanila na dalhin dito sa mansyon… si Sashna!”               Sashna!??               Ang kumag na ito, ano na naman kayang iniisip niya?! "Prime, baka nakakalimutan mo ang batas ng Mafia?! Bukod sa Quency at Harriet, hindi ka p’wedeng maging interesado sa ibang babae!" paalala ko.   Umiling siya at ikinaway nya ang kanyang kamay na parang sinasabi nya na pabayaan ko na lamang ‘yon. Napakatigas talaga ng ulo ng kumag na ‘to! Haayyy! “P’wede ba Dyl, h’wag ka ng kumontra! Ipasundo mo na lang ang babaeng ‘yon kung hindi ay hindi ako papasok sa Academy kahit kailan,” pagbabanta niya.   “At sa tingin mo matatakot mo ako ng ganyan? Sira-ulo! Kung kailangang kaladkarin kita para pumasok ka lang do’n araw-araw gagawin ko!” pabalang kong sabi sa kanya.   "I thought we were partners in crime? I got to know you by mistake! You're the only person I trust but you're treating me like that!?" he says with sarcasm.   “Tigilan mo nga ako sa kalokohan mong kumag ka! Oo na, ipasusundo ko na manahimik ka lang! Bwiset ka!” irritable kong sabi.   Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko ang mga utos ng kumag na ito. Bakit ng aba ako nagpapauto sa kanya? Hmn!   “Ahahaha, mabuti! Kapag pumalag ang babaeng ‘yon ay isilid nila sa sako at dalhin pa rin dito! Ahahahah,” sabi niya.   “Isilid sa sako? Sira-ulo! Gano’n ka ba kadesperadong madala siya dito?” nagtataka kong tanong.   Nagkibit-balikat siya ngunit kahit na nakamaskara siya ay alam kong nakangisi siya. Hindi na siya nagsalita, naupo na sya sa harapan ng kanyang mesa at sinimulang magbasa ng ilang papeles na nakapatong rito.   Tinitigan ko pa siya ng ilang sandali at napansin kong kakaiba talaga ang saya ng baliw na ito ngayon. Lalo tuloy akong napapaisip kung sino ba ang ‘Sashna’ na iyon at anong ginawa niya kay Prime para makuha ang atensyon nito.   Sashna. Sino ka nga ba?     Sashna's pov:   Nang magising ako noong umaga ay wala na si Aizen. Kung gano’n ay hindi pala siya talaga kamag-anak nila lola. Saan kaya siya nakatira? Babalik ba siya dito ngayon? "Sinong hinihintay mo dyan?" nakangiting tanong ng matanda nang makita akong nakaupo sa may hagdan sa labas ng bahay.   Hindi ko din alam kung bakit tila nanamlay ang paligid nang malaman ko na wala ang nakakairitang lalaking ‘yon dito. Hindi ba dapat ay masaya ako kasi wala akong makikitang asungot?   "Wala po, nagmumuni muni lang!" sagot ko.   Nasa may pintuan ang matanda at marahan syang lumapit sa akin, “Kung sya ang hinihintay mo... hindi ko alam kung kailan sya babalik. Sumusulpot na lang kasi sya dito paminsan-minsan."   Lalong gumusot ang mukha ko dahil sa sinabi ni lola. Haayyy, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Kainis!               “Alam kong naiinis ka sa kanya pero maniwala ka man o hindi, siya ang pinakamabait na taong nakilala ko,” sabi ni lola at ngumiti ng may kalungkutan sa kanyang mga mata.               Napatitig ako kay lola. Para kasing maiiyak siya nang sabihin niya iyon. Bakit kaya?               “Napansin ko naman po na mabait talaga sya sa inyo. Ang akala ko nga po ay apo nyo syang talaga,” sabi ko sa kanya.               Umiling si lola at muling ngumiti ng mapait, “Kahit hindi ko siya tunay na apo ay ‘yon ang turing ko sa kanya dahil itinuturing nya rin kaming tunay nyang pamilya.”               Kinuha ni lola ang aking kamay at saka tumanaw sa malawak na bakuran na tila ba ginugunita ang nakaraan.               “Tandang-tanda ko pa noon ang hirap na dinanas namin. Nang mamatay ang mga magulang ng kambal ay ako na ang nag-alaga sa kanila, pero dahil sa matanda na ‘ko ay wala akong maayos na trabaho at madalas na sa kalye kami matulog. Naibenta ko kasi lahat ng ari-arian namin para ipagamot ang ama nila ngunit sa huli, namatay pa rin ito at naiwan kaming tatlo na walang kahit ano sa bulsa,” pagkukwento ni lola.               Nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan. Alam ko ang pakiramdam dahil ako man ay naging gano’n din ang kapalaran. Namatay ang Daddy ko at nagsimula akong maghirap ngunit tila mas mahirap ang kanyang pinagdaanan. Itinikom ko lamang ang aking bibig at patuloy na nakinig sa kanyang mga kwento.               “Hanggang sa nagkaroon ng bagyo. Basang-basa ang kambal no’n dahil wala kaming masilungan. Maglilimang taon pa lamang sila no’n sa aking pagkakatanda. Inapoy ng lagnat si Clarisse at biglang tumakbo si Clarence dahil maghahanap daw siya ng gamot. Nais ko siya noong pigilan dahil sobrang lakas ng ulan ngunit hindi ko maiwan si Clarisse. Naiyak na lamang ako no’n dahil natakot akong baka kung anong mangyari sa kanya sa daan. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko noon,” dagdag ni lola.               Kitang-kita kong namamasa na ang kanyang mga mata at pinahid nya ito upang pigilan ang pagpatak. Pinisil ko ang kamay ni lola at nginitian ko siya ng kaunti. “Pagkatapos po? Ano pong nangyari kay Clarence?”               Nagbuntong-hininga si lola at muling nagsalita, “Wala pa kaming kain no’n kaya hinang-hina din siya. Naligaw si Clarence at umiyak ng umiyak hanggang sa nakita siya ng binatang ‘yon. Marahil ay naawa sya no’n kay Clarence dahil basing-basa ito at umiiyak na mag-isa. Kinausap siya ng binata at isinama sa isang restawran para pakainin. Ikinuwento ni Clarence ang tungkol sa kapatid niyang may sakit kaya bumili sila ng gamot, mga prutas at mga damit at saka nila kami hinanap.” Napahanga ako sa kwento ng matanda. Kung gano’n ay natagpuan lang din sila ni Aizen na gaya ko at tinulungan. Ang… ang lalaking ‘yon, sino ba talaga siya? Hindi ba’t isa syang Mafia? Bakit nya kami tinulungan nila lola?             Humarap sa akin si lola ng nakangiti at siya naman ang pumisil ng kamay ko. “Alam mo ba... ang bahay na ito'y bigay nya!? At kada buwan ay binibigyan nya kami ng pera para sa pag-aaral ng mga bata at ilang gastusin. Ayaw nya daw akong mahirapan kaya hindi na niya ako pinagtatrabaho dahil sya na daw ang bahala sa amin."               Natigilan ako sa sinabi nil ola. Hindi ako makapaniwalang mayaman pala si Aizen?! "T-talaga po?" "Oo, sabi ko nga sa kanya tama na ang kaunting tulong dahil sobr- sobra na ‘yon para sa amin pero... nginitian nya lang ako at humingi ng isang pabor," sabi pa ng matanda "Pabor? Ano pong pabor!?" nagtataka kong tanong. Lumapad ang ngiti ni lola at umaliwalas ang ekspresyon ng kanyang mukha, "Ang sabi nya noon... ituring ko lamang siya na aking tunay na apo ay bawi na daw ako sa kanya at saka siya ngumiti na para bang sobrang saya niya. Kakaiba talaa ang batang ‘yon!”   Hindi ko alam... pero unti-unting nagbabago ang tingin ko sa bastos na lalaking ‘yon. Nagawa niyang akuin ang isang mabigat na responsibilidad kapalit ng isang simpleng pabor. Pakiramdam ko tuloy ay napaka-simple lamang ng kanyang kasiyahan, baka nga nagkakamali lamang ako ng pagkilala sa kanya.   ... … …   Nahinto usapan namin ni lola ng mapansin na may humintong itim na kotse sa tapat ng bakuran. Nagtataka kami pareho habang minamasdan ang ilang kalalakihan na pababa mula rito.   Three men got out of the car and they were all wearing black suits. And as they walked closer to us, I noticed that they were wearing earrings similar to Aizen's. If so, these men are also Mafias!             “Sandali mga ginoo, anong kailangan niyo?” tanong ni lola sa kanila.               Matalim akong nakatingin sa kanilang tatlo. Masama ang kutob ko sa mga ito. May kinalaman kaya si Aizen sa kanila? Hmn.                “Narito kami para sunduin ang si binibining Sashna!” sagot ng isa sa kanila na ikinaluwa ng mga mata ko.               Ano? Ako?!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD