Dylan's pov:
Hayyy! Napakapasaway talaga ng lalaking ‘yon! Pero ano pa bang magagawa ko?
Napasulyap ako sa maskara niyang nakapatong sa may lababo at katabi nito ang kanyang piercing charm. Napabuntong hininga ako at napailing, “Mukhang kailangan ko na naman isuot ang mga ito.”
Nakakainis man pero kinuha ko na lang ang mga iyon bago tuluyang lumabas ng banyo. Naisahan na naman ako ng kumag! Sinasabi ko na nga ba, masama talaga ang kutob ko kanina, hindi ako nagkamali!
Sa t’wing may pupuntahan s’yang ganitong okasyon ay palagi talaga s’yang tumatakas. Nakakainis lang na naisahan na naman niya ako ngayon at kailangan ko na naman na magpanggap bilang siya. Ilang beses na nga ba niyang ginawa ito? Pakiramdam ko tuloy ay napamihasa ko sya ng husto! Lagot talaga sa akin ang kumag na ‘yon! I will not only break his leg but also his nose! I will make sure he experiences hell even if he is still alive!
Bukod sa akin at sa panginoon ng Mafia na si Lord Vishnu ay walang ibang nakakakilala kay Prime. Ang sabi nila noon ay para kaming pinagbiyak na bunga ni Aizen, marami kaming pagkakapareho sa pisikal na aspeto ngunit may ilan din na pagkakaiba tulad ng mga kulay ng aming mga mata. His eyes are a deep blue color and mine is a bluish green, so I still have to wear contact lenses every time I pretend to be him. He also doesn't speak when other people are in front of him but, if necessary, his mask has a built-in voice changer so they still can't notice it. Kabisado ko ang bawat kilos at pag-iisip ng kumag na iyon dahil simula pagkabata pa lamang ay magkasama na kami kaya napakadali para sa akin ang magpanggap bilang siya.
Napasulyap ako sa hawak kong maskara.
“That jerk, huh!” I just mumbled to myself.
I really know the reason he's running away, it's because of his destiny!
Isang tadhana na hindi niya p’wedeng tanggihan, iyon ay ang pagpapakasal nya sa Queency.
Ang Queency ang anak ni Lord Brahma, ang kaliwang kamay ni Lord Vishnu at ang inaasahang maging asawa ni Prime.
Hmn.
Sa t’wing pag-uusapan namin ang Queency ay natatawa na lamang ako sa ekspresyon ng mukha niya. That idiot, it was as if he wanted to condemn Mafia law for that. Hahahah!
…
Habang naglalakad ako sa pasilyo ay nakasalubong ko… si Venice, ang Queency. Speaking of the witch!
"Ow Dylan, you're here pa!? I thought you're going to the Base for the celebration ng Elite Squad?" she said in an annoying tone.
"We’re going, don't worry!" I answered.
"P’wede ba kong sumama? You know, since I'm his fiance, maybe I can also be their guest?" she said and then let out a hiccup.
Nakainom ba siya? Hmn, ano pa nga ba?
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan siya, nasasayang ang oras ko sa pakikipag-usap sa kanya.
"You don't have to! We're not yet sure if you're really the one Prime will marry! "I replied with a smirk.
Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay at saka nya ako nilingon ng nanlilisik nyang mga mata.
"ANONG SINABI MO!? AKO ANG MAPAPANGASAWA NYA! Alam mong walang makakapigil no’n, hindi ba!?" nanggagalaiti nyang hiyaw.
Napahinto ako sa aking paglalakad. Nilingon ko sya na may mas lalong malapad na pagngisi sa aking mukha, "H’wag kang pakasiguro. Baka nakakalimutan mo ang kanang kamay ng Mafia Lord ay mayroon ding anak na babae at siya ang Harriet. So, Prime still has an option!"
Ang magagandang mga mata ni Venice ay tila nag-apoy sa pagkaasar habang nakatitig sa akin, "Wala pang napipiling bagong kanang kamay ang Mafia Lord, kaya sino ang tinutukoy mo? Ang dating kanang kamay nya? Ang traydor na iyon? Huh! Asa ka pa! His family can no longer be found because his secret files have been deleted from the system!” She replied as if she was absolutely sure.
"Sabagay, tama ka,” kibit-balikat kong sabi at nanatili sa aking pagiging kalmado. “Pero... alam mo naman hindi ba… NA WALANG IMPOSIBLE SA MAFIA!"
Tinalikuran ko siya at saka nagpatuloy sa aking paglalakad.
"BWISIT NA BUTLER! Tandaan mo BUTLER KA LANG! Wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan! Ako ang Queency!!!" inis na inis nyang sigaw sa aking likuran.
Ano bang pinagsasabi nya? Si Prime ang pinaglilingkuran ko at hindi siya. Pasalamat nga siya at hindi ko siya binabatukan tulad ng ginagawa ko kay Prime kapag naiinis ako.
Haayyy, kaya ayaw ni Prime magpakasal sa kanya dahil ganyan siya.
Hindi naman siya ganyan… noon.
"Magsaya ka na sa pangangarap mo na magiging asawa mo sya… dahil sigurado ako, hindi magkakatotoo yan! Ahahahahah" pangiinis ko lalo sa kanya habang naglalakad palayo.
Narinig ko ang malakas niyang tili sa sobrang inis. Lalo tuloy akong natawa, ang sarap pakinggan! Ahahahah!
Kakaiba talaga ang ugali ng babaeng ‘yon! Kapag natuloy ang kasal nila lagot sa akin si Prime, magbibitiw ako sa pagiging Butler at aasarin ko siya araw-araw! Ahahahha!
Teka nga, nasaan na naman nga ba pumunta ang kumag na ‘yon?
Tsk! Naman oh!
----------------------------
Sash's pov:
Nasa harapan kami ng hapag-kainan at kumakain ng niluto ni lola na sopas. Mmn, ang sarap! Sobrang sarap! Ngayon na lamang ako ulit nakakain ng ganito kasarap!
"Iha, h’wag kang mahiya! Kumain ka lang ng kumain!" sabi ng mabait na matanda.
Nginitian ko si lola at tumangu-tango bago muling humigop ng sabaw sa mula sa kutsara. Paano naman kaya ako hindi mahihiya e nasa harapan ko nakaupo yo’ng bastos na lalaki? Haayyy!
Nasa kanan ko nakaupo si lola at ang kambal naman ay magkatabi sa aking kaliwa. Sa tingin ko ay napakababait ng mga batang ito, ni hindi man lang sila nag-aaway kaya naman naaaliw ako sa kanila.
Sa paglingun-lingon ko sa kanila ay nahagip na naman ng aking mga mata ang lalaking tahimik na kumakain sa aking harapan. Naiilang talaga ako, hmp! Bakit nga ba?
Dahil ba mas malapit siya sa akin ngayon at mas lalo kong nasisilayan ang kanyang kagwapuhan?
Even though I wanted to focus on my food and even though I was annoyed with him I really couldn’t help but glance at his attractive face.
His thick eyebrows complimented his alluring sharp eyes, his nose was perfectly shaped and proportioned on his inviting lips. And his messy hair made him look even more so hot! Sh*t! Who is this guy?
Artista ba sya? Modelo? Bakit ang gwapo ng sira-ulong ‘to?
Hindi ko namalayan na sobrang tagal ko na palang nakatitig sa kanya kaya nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang mapatingin sa akin. S-sh*t!!!
Nagtikom ako ng aking bibig at agad na yumuko para iwasan ang kanyang tingin.
"Paubos na ba ako?” tanong niya sabay ngisi.
Ha? Ano daw?
Nagkatinginan kami ni lola at halatang pareho kaming hindi naintindihan ang sinabi ng nakakairitang lalaki.
“Titig na titig ka kasi sa akin na para bang takam na takam ka. Iniisip mo bang ako ang kinakain mo?” sabi nya at natawa ng mahina.
Namilog na naman ang mga mata ko sa gulat at kahihiyan. Tumawa pa ang dalawang bata. Naku, sira-ulo siya!
Nakakahiya!
“Ate, kumakain ka ng tao?” tanong ng batang babae na si Clarisse.
Ha?
“Zombie ka ate?” tanong din ng kanyang kakambal na si Clarence.
“Hindi naman siya mukhang zombie eh! Ang ganda-ganda niya kaya!” sabi ni Clarisse na ikinapula ng aking mukha.
“Pero parang gusto niya kasing kainin si kuya!” pakikipagtalo ni Clarence sa kapatid.
Grabe na ang kahihiyang nararamdaman ko lalo na ng marinig ko na muling tumawa ang lalaking nasa aking harapan.
“Gusto mo nga ba akong kainin? P’wede naman sabihin mo lang,” sabi niya sa akin at saka kumindat.
Pakiramdam ko ay lalamunin na ako ng lupa sa inis at kahihiyan. Parang gusto ko na lang takpan ang mukha ko dahil alam kong sobrang pula na nito.
“Magsitigil nga kayo, nakakahiya sa kanya!” sabi ni lola bago humarap sa akin ng nakangiti. “Naku iha, pagpasensyahan mo na sila at ngayon lamang kami nagkaroon ng bisita. Ano ba ang pangalan mo? Saan ka nakatira?”
Mabuti naman at nahinto na ang nakakahiyang usapan, salamat kay lola!
Nanahimik sila at nagpatuloy na sa kani-kanilang pagkain. Nagbaling naman ako ng tingin kay lola at sinagot ang tanong niya, “Sabrina Shanelle Elezar po ang totoo kong pangalan pero tawagin nyo na lamang po akong Sash o Sashna. Ako po ay… taga-Blemington Vallley!”
“Blemington Valley? Aba’y medyo malayo yo’n dito ah!? Paano ka napunta sa Black Paradise?” muling tanong ng matanda.
Napahinto naman ako sa pagsandok ng kutsara sa aking sopas nang maalala ko ang mga nangyari sa akin. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko na dumaloy sa buo kong katawan. Tila nanigas din ang dila ko kaya hindi ako nakasagot kaagad.
“Iha?” may pag-aalalang tanong ni lola ng mapansin na namumutla ako.
“K-kasi po… k-kasi po…” nauutal kong sabi.
Nayakap ko ang katawan ko ng nakita ko uli sa aking imahinasyon ang nakakatakot na mukha ng matandang lalaking gusting lumapastangan sa aking katawan. Naitikom ko ang aking bibig upang pigila ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanila, pinangingilabutan ako at gusto ko ng kalimutan na lang sana.
“K-kasi po—"
“Kumain ka na. Mas masarap kainin ang sopas habang mainit!” biglang sabi ng lalaki.
Biglang nawala ang panginginig ng aking katawan. Medyo nagulat ako at nagtaka kaya iniangat ko ang aking tingin sa kanya. Nahalata nya ba ang takot na nararamdaman ko?
“Oh bakit? Gusto mo ba na subuan pa kita?” tanong niya at muli na namang ngumisi ng nakakainis.
Napabuntong-hinga na lang ako. Hindi pala, mukhang gusto niya lang akong inisin talaga. Akala ko nagiging mabait na siya sa kin, nagkamali pala ako. Hmp!