Awake

2360 Words
Aizen's pov: Matapos ang nangyari sa Black Paradise, nagdesisyon akong isama na lamang ang babaeng bumangga sa akin sa bahay ni lola. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa maamo nyang mukha, mahimbing pa rin ang kanyang tulog. Sino kaya sya? Saan sya nanggaling? At anong nangyari sa kanya? Napapakunot ako ng noo habang iniisip ang mga iyon. Dahil sa kakatingin ko sa kanya, hindi ko agad napansin ang patawid na bata sa harapan. Sh*t!!! Agad kong inihinto ang kotse at halos mapasubsob ako sa manebela. Tzk! Sa gulat ng bata ay mabilis syang tumakbo para makatawid. Nilingon ko ulit ang babaeng nasa tabi ko sa pag-aalalang baka nagising sya ngunit hindi pa rin sya nagkamalay. Halos lumuwa naman ang mga mata ko ng makitang dumulas paibaba ang dyaket kong ikinumot sa kanya at sumilay ang pisngi ng kanyang dibdib. "F*ck!" I cursed to myself. I just closed my mouth and swallowed while staring at her. Ow Aizen, you are an idiot! What am I doing? Sh*t! Itinaas ko ng dahan-dahan yung dyaket para matakpan ulit ang kanyang katawan. Napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos, hindi naman kasi ako ganito sa mga babaeng nakilala ko pero bakit nga ba ako ganito sa kanya? Hmn! ... Ilang minuto pa ay narating na namin ang bahay ni lola. Pababa pa lang ako ng sasakyan ay naririnig ko na ang dalawang bata. "Lola, dumating po si kuya!!!" masayang tinig ni Clarrise. "Kuya!!!" sigaw ni Clarence na tumatakbong palapit sa akin. Napangiti ako dahil halatang sabik din silang makita ako. Pagkababa ko ng kotse ay yumakap agad sila sa akin. "Kuya, bakit ngayon ka lang bumisita? Na-miss kita!" sabi ni Clarrise na lalong nakapagpalapad ng ngiti ko. "Kuya, maglaban na tayo. Sigurado matatalo na kita ngayon!" yaya ni Clarence. "Wait! Let's talk later, okay? Si lola?" tanong ko at kumalas na sila sa pagkakayakap. "Nasa loob po nagluluto," sagot ni Clarence. Tumangu-tango ako at binuksan ang pinto ng kotse ko. Nagulat sila nang buhatin ko ang isang babae mula sa loob ng aking sasakyan. "K-Kuya, sino sya?" nagtatakang tanong Clarrise. Ngumiti ako sa kanya at muli na naman akong napasulyap sa babaeng buhat ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko naengkanto ako. Ilang beses ko ng tinitigan ang mukha nya ngunit hanggang ngayon ay parang hindi pa ko nagsasawa. ... "Hindi ko din sya kilala eh,” sagot ko at patuloy na naglakad papasok ng bahay. Pagpasok namin sa loob ay nakasalubong ko si lola na galing nga sa kusina. Nagulat din sya ng makitang may buhat-buhat akong babae. "O, iho! Nandito ka pala? Sino 'yang kasama mo?" tanong nya. "Nakita ko lang po syang nawalan ng malay sa daan habang papunta ako dito," sagot ko. "Hala, sige, dalhin mo sya sa kwarto!" tarantang sabi ni lola. Tumango ako sa kanya at pinagbuksan naman nya kami ng pinto. Pumasok ako sa kwarto at marahang inihiga ang babae sa kama. "Hindi ba sya nagising?" tanong ni lola na nagdala ng isang maliit na planggana na may lamang tubig at pamunas. "Hindi pa po. Lalabas muna ako para ibigay ang pasalubong sa kambal, kayo na lamang po munang bahala sa kanya," paalam ko. Tumango si lola na bahagyang nakangiti at agad na inasikaso ang babae. Sana lamang ay maging maayos na ang babaeng ‘yon. Nais kong malaman ang pangalan nya at kung saan sya nanggaling. Kung paano sya napunta sa matandang ‘yon at kung anong nangyari sa kanya. Nais kong malaman ang lahat ng tungkol sa kanya, ngunit hindi ko alam kung bakit gano’n na lamang ang interes ko sa babaeng ‘yon. Haayyy, naalala ko na naman si Dylan. Napangisi na lang ako. Kapag nalaman nya to siguradong lagot na naman ako. Ahahaha! ------------------------------------ Sash's pov: A-Ang sakit, uhmnn... Parang ang sakit ng buong katawan ko, ugh! B-buhay pa ba ako? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Mnnn... Hindi ko maimulat ng maayos ang aking mga mata dahil sa liwanag na sumisilaw sa akin na nagmumula sa bintana. Ipinikit-pikit kong muli ang aking mga mata atsaka ko lamang nasilayan na tila ba sumasayaw ang kurtina dahil sa hangin. Maaliwalas at napakatahimik ng kwarto at ang kamang hinihigaan ko, malambot at komportable. T-TEKA! NASAAN AKO!? Iginala ko pa ang mga mata ko sa paligid, naguguluhan ako kung paano ako napunta dito. Nasaan ba ako? Nanaginip ba ako? ... "Finally, you're awake!" Tuluyan akong napadilat nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Tila bumalik ang takot at panginginig sa buo kong katawan ng maalala ko bigla ang mga huling nangyari sa akin. I got up in great fear and the blanket that covered me immediately slid down my lap. There was a guy standing in front of me, I was confused about who he was but I was also thankful that he was not the bar owner. His eyes were pinned on me, he also looked shocked when he saw me get up. He has beautiful eyes, he's tall, handsome and maybe about my age. His face suddenly turned red. He covered his mouth with his fist and turned away his gaze. I felt my heart pounding because of how cute he was to look at. B-but, wait! Who is he? "Cover yourself," he commanded awkwardly. Ha? I slowly looked at myself. My eyes almost popped out when I realized that I wasn't wearing anything! Holy sh*t. "Aaaahhh!!!" I screamed. I quickly picked up the blanket and covered myself. What the hell!? H-HE SAW ME… NAKED! "SINO KA!? NASAAN AKO? ANONG BINABALAK MO SA KIN? MAGSALITA KA!" hiyaw ko sa kanya habang pinanlilisikan ng mga mata. "Aw hell," he sighed irritably. Muli akong binalot ng takot. Bakit wala akong damit? Pinagsamantalahan nya ba ako? H-Hindi kaya isa sya sa mga tauhan ng matandang lalaking iyon? H-Hindi!!! "Anong nangyayari dito? Apo, anong ginawa mo sa kanya?" nag-aalalang tanong ng matandang babae na pumasok sa kwarto. "Don't ask me like that,” he defended as if he was innocent. Lumapit ang matanda sa akin at umupo sa tabi ng kama. Mukha naman syang mabait pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba. "Iha, iha... okay ka lang ba?" tanong nya. Niyakap ko ng mahigpit ang sarili ko at hindi ko pa rin maialis ang matalim kong tingin sa lalaking ‘yon. "Hayaan mo na sya iha. Heto, pinagdala kita ng damit para may maisuot ka. Sira-sira na kasi ang damit mo at hindi na kayang ayusin kaya pagpasensyahan mo na muna ito," malumanay na sabi ng mabait na matanda. Hindi ako nakaimik at sinulyapan ko lamang sya. Aabutin ko sana ang damit pero muli akong napatingin sa lalaki. Wala syang ekspresyon sa kanyang mukha at nakatingin lamang sya sa akin. Nangunot tuloy ang noo ko at nakaramdam ako ng hiya. "Iho, lumabas ka muna para makapagbihis sya," sabi ng matanda do'n sa lalaki. Marahil ay naramdaman nyang naiilang ako sa lalaking ’yon. Ngumisi ang lalaki. "Bakit? Nakita ko na rin naman na kanina at madami na kong nakitang tulad n'yan, mas malalaki pa!" sabi nito sabay sulyap sa kanyang mga kamay na kunyaring may pinipisil-pisil. Sh*t! My face burned up again. P-pervert!!! I feel so embarrassed! Parang gusto kong maiyak sa inis, haayyy! "Siraulo ka talagang bata ka! Lumabas ka na, dalian mo!" dumampot ang matanda ng unan at ibinato sa lalaki. "Aray lola! Oo na, lalabas na!" natatawang sabi ng lalaki. Ang gwapo nya sana, napakabastos lang talaga. Kainis! ... Inilagay nya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantanlon, tumalikod sya at nagsimulang maglakad papunta sa pinto. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay huminto syang muli, lumingon sya sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ang hikaw na suot nya. ‘Yon ay isang piercing charm! K-kung ganoon, siya ay isang-- "Talk to you later," he winked then left. F-f*ck! D-did I blush!? "Iha? Okay ka lang? May sakit ka ba? Namumula ang mukha mo," pag-aalala ng matanda at dinampi ang noo ko. Pilit akong ngumiti at umiling. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon, namula tuloy ang mukha ko! Haayyy… "W-wala po, salamat po!" sabi ko at kinuha ang inabot nyang damit. "Pagpasensyahan mo na ang apo ko ha? Pasaway talaga sya pero mabait ‘yon," nakangiting paumanhin niya. Tumango ako at ngumiti sa matanda pero binabagabag pa rin ako kung paano ako napunta dito at pati na rin… sa kung sino ang lalaking ‘yon. Sigurado na akong wala silang koneksyon sa matandang lalaking nagtangkang humalay sa akin. Ngunit ang lalaking ‘yon, isa syang Mafia! Ligtas na ba akong talaga? "Paano po ba ko... napunta dito?" tanong ko sa kanya. "Ah, iyong apo ko na kaaway mo kanina, sabi nya ay nawalan ka daw ng malay sa daan kaya isinama ka nya dito," paliwanag ng matanda. Nagulat ako ng sandali. Napatikom ako ng bibig at napaisip. ..."Miss, are you okay?" Kung gano’n... sya ang lalaking ‘yon? Sya pala ang nagsabi ng mga salitang ‘yon na nakapagpagaan ng loob ko. Nang marinig ko ang mga sinabi nya, pakiramdam ko no’n ay ligtas na ako kaya marahil tuluyang nawala ang kamalayan ko nang oras na ‘yon. Ang nakakairitang lalaking ‘yon, sya pala ang nagligtas sa akin. Pero naguguluhan ako, bakit nya ginawa ‘yon? "P-pero, bakit nya po ako tinulungan? Isa po syang Mafia, hindi ba?" tanong ko ulit. "Nakita ko po ang suot nyang hikaw, isa po syang Mafia!" Sandaling napatitig sa akin ang matanda. Maya-maya ay tumayo sya at kinuha ang maliit na planggana. "Wag kang matakot, ang apo ko ay hindi masama gaya ng nasa isip mo. Hala sige, magbihis ka na ha? Pagkatapos ay magmeryenda na tayo. Siguradong gutom ka na," nakangiti nyang sabi sa akin at lumabas na sya ng kwarto. Naiwan akong napapaisip. Paanong hindi naging masama ang isang Mafia? Kung ang trabaho nila'y pumaslang ng mga tao? Kagaya ng balitang... pagpatay nila sa Daddy ko!? Mafia. ... Nagbihis ako ng mga damit na ipinahiram sa akin ni lola at kasama nito ang nalabhan kong mga panloob. Kay lola kaya ang puting T-shirt na ito? Ang bango! Matapos kong magbihis ay muli kong sinuri ang kwarto. Napakalinis at aliwalas nito, hindi kagaya ng kwartong tinutulugan ko sa bahay namin. Ginawa na kasing tambakan nila Tita Catalina ang kwarto ko ng mga gamit namin ni Daddy na hindi nila maibenta. Nagkaroon ng maraming ipis at daga sa kwarto ko, napakadilim dahil walang ilaw at sira-sira ang iba pang kagamitan. Paano kaya ako babalik doon? Siguradong uusok si Tita Catalina sa galit kapag nakita ako. Ano bang dapat kong gawin? Natatakot akong bumalik pero wala naman kasi akong ibang mapupuntahan. Hayyy… paano ba? ... "Kuya! Dali na, maglaban na tayo! natatakot ka ba sa kin?" isang boses ng batang lalaki ang narinig ko mula sa labas ng bintana. Huh? Lumapit ako sa may bintana at nakita ko ang nakakairitang lalaki na may kasamang dalawang bata. Isang batang babae at ang isa naman ay lalaki, ngunit may pagkakahawig ang mga batang ito. Kambal ba sila? "When you don't agree to fight, does that mean you're a coward?" he chuckled. Ewan ko, pero ang tawa nyang iyon ay kaiba sa nakakainis nyang ngisi kanina. Lumalabas lalo ang kagwapuhan nya at mukha syang matino kapag ganyan sya. Hindi ko maiwasang mapangiti, nakakatuwa kasi silang pagmasdan. "Pero kuya, kung hindi ka po lalaban iisiping duwag ka!" pangangatwiran ng batang babae. "Minsan ang pananahimik ang paraan para matalo ang kalaban,” sagot nya. "Kuya naman eh, gusto ko lang makipaglaro!" sabi ng batang lalaki na kumamot pa sa ulo. Lumapad ang ngiti sa aking mukha. Baliw kasi yung lalaking ‘yon, alam nyang mga bata ang kausap ang lalim ng mga sinasabi. Naguluhan tuloy ‘yong bata, kawawa naman. ... "Sige na nga, gan’to na lang. Kapag nasagot nyo ng tama ang tanong ko, maglalaro na tayo ng kahit anong gusto nyong laro!" sabi nya. "Tanong? Ano pong tanong?" usisa ng batang babae. Ngumiti ang lalaki at umupo sa magkabila nyang tabi ang dalawang bata. "Listen carefully. There's a farmer living peacefully down the hill. It is Peter. Peter is the son of John; John is the father of Peter. John is the ____ of the father of Peter. What should be in the blank?" he asked. Hmn? Nangunot ang noo ko. Isang palaisipan!? Ilang segundong nanahimik ang dalawang bata at pinag-isipan ang tanong. Nagsasalubong ang kanilang mga kilay at humahaba ang kanilang mga nguso. Napatakip ako ng bibig at hindi ko na naiwasang matawa. Ang cute nila! "Ihhh, ang gulo naman po eh! Ang hirap kuya," yamot na sabi ng batang lalaki. Tumawa naman ‘yong lalaki. Ang sarap sana pakinggan ng tawa nya, kaya lang habang nakatitig ako sa masaya nyang mukha naaalala ko ‘yong nangyari kanina. Ang kumag na ‘to… haayyy! Salitan nyang sinulyapan ang dalawang bata at ginusot ang kanilang mga buhok. He smiled as if he was saying it's fine, that they don't have to take it seriously. That smile… was very genuine, that was the sweetest smile I had ever seen. I couldn't help but be stunned by him. My heart, my heart is throbbing again... B-But why!? "The question isn't hard, it's just you who got confused! Problem wasn't made to skip, it was made to be solved," he quoted and suddenly looked in my direction. Pareho kaming nagulat nang magtama ang mga mata namin, at ang puso kong kaninang mabilis na tumitibok ay bigla na lamang... huminto! A-Anong pakiramdam ito!? Ilang segundo pa ay unti-unti ng naglaho ang pagkagulat sa kanyang mukha. Nilabas nya ng kaunti ang kanyang dila na para bang inaasar ako matapos ay ngumisi habang nakatitig sa akin. S-Sh*t! Agad ko syang inirapan at tumalikod. Napahawak ako sa dibdib kong dumadagundong sa lakas ng tibok! A-Ano ba to!? Tsk! N-Nakakainis talaga sya! Kunot-noo akong huminga ng malalim. Inaasar na naman ako ng kumag na ‘yon, kairita! Napatikom ako at naglakad pabalik ng kama. Naupo ako sa gilid nito at muling nilingon ang bintana. Naririnig ko na naman ang mga tawanan nila, parang sobrang saya. Siguro nga mabait naman ang kumag na ‘yon, sa akin nga lang siguro hindi. Hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD