Pagdating sa opisina nakita na naman niya si Patricia. Hindi talaga siya komportable kay Patricia. Isipin pa lang na ilang taon nang kasama ni Patricia ang asawa niya sa trabaho ay naiinis na siya, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Pagpasok sa loob ng opisina ni Shawn pabagsak niyang iniupo ang sarili sa sofa. "Hainna," tawag ni Shawn sa kanya na marahil nakita ang ginawa, sinulyapan niya ang asawa. "Why?" taas-kilay na tanong niya rito. "Let's talk about Patricia," sabi nito. "Shawn isa lang ang gusto ko, ang palitan mo si Patricia," agad na sabi niya. "Hainna kung ang dahilan mo sa pagpapaalis kay Patricia ay selos, hindi magandang dahilan 'yan," sagot nito at naupo sa swivel chair nito. Sumimangot siya at isinandal sa sofa ang likod. Pinagsalikop ang mga kamay sa

