"Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya ng makalabas ng comfort room Hindi n'ya alam kung paano s'ya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan n'ya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia. "Shawn," anas n'ya at liningon ang pinanggalingan, hindi na n'ya makita si Patricia. Kung magsusumbong s'ya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado s'yang na o-obsessed kang Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapapadali n'ya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho. "Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya. Napatitig s'ya sa mga mata ng asawa. Paano ba n'ya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan s'ya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia. "Wa- wala," utal na sagot n'ya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang to," sabi n'ya. "