Andrea GAANO man kahirap ang pinagdaanan ng bawat tao sa mundo, hindi ito dahilan upang sumuko. Mahulog ka man sa isang maling tao at masaktan dahil sa kanya, hindi ka dapat sumukong umibig muli. Huwag kang matakot na sumugal hanggang sa mahanap mo ang kaligayahan na para sa 'yo. Kung minsan, may pagkakataong matatali ka sa isang maling relasyon. Masasaktan, mahihirapan, ngunit sa huli, magigising ka rin sa katotohanan. Gagawa at gagawa ng paraan ang Diyos upang mahanap mo ang katotohanan na nililihim sa 'yo. Mas mabuting makinig ka sa mga senyales na pinararamdam sa 'yo ng paligid. Matutong makinig sa mga taong totoong nagmamalasakit sa 'yo, dahil sa huli, sila ang mas nakakaalam ng tama. Pahalagahan mo ang mga taong totoong nandiyan at kahit gaano kapa katanga, hindi ka iniiwan. Mahal

