Andrea "KAHIT ilang taon na ang lumipas nasa isip ko pa rin ang mga nangyari. Nararamdaman ko pa rin ang pagdila ng apoy sa aking balat kahit matagal na 'yon at tuluyan nang naghilom ang sugat ko. Kung minsan, napapanaginipan ko ang aking kaibigan na si Erika na humihingi ng tulong sa akin. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala akong hiniling kung hindi ang makaganti sa mga bagay na ginawa sa akin ng dati kong asawa at ng kabit niya. Walang araw na hiniling ko na sana sa pagmulat ng aking mata, bumaliktad na ang sitwasyon at muling bumalik sa akin ang lahat. Ang lahat ng ito ay tiniis ko upang sa pagdating ng araw na ito, mararamdaman ko ang tagumpay ng aking paghihiganti. Ngayong nandito na ako, hinding hindi na ako aatras pa. Ako si Elise Mad

