Elise HINDI ako makatingin nang diretso sa isang babaeng nakatitig ngayon sa aking harapan. Pinaunlakan ko ang kanyang pag-anyaya sa akin na mag-usap kahit sandali rito sa restaurant na kinainan ko kanina. Kasalukuyan kong hindi mainom ang tubig na nasa aking baso dahil sa kanya. Pilit kong iniiwas ang aking tingin dahil pakiramdam ko ay sinusuri niyang mabuti ang aking mukha. "My gosh! I can't believe it. Kamukhang-kamukha mo siya. I-I mean, you really looked like my cousin Mika," wika ng babaeng ito, dahilan upang magsimulang mabalot ng kaba ang aking puso. Natulala ako nang banggitin niya ang pangalan na iyon. Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanya nang diretso. "Nagtatagalog ka? Kilala mo si Mika?" nalilito at puno ng curiosity kong tanong. Mas lalong nanla

