Elise Sa aking pag-iyak, hindi ko namalayang nakatulog na ako. Marahan kong inangat ang aking ulo nang tuluyang magising ang aking diwa. Nakita ko ang pag-ilaw ng aking cell phone at nakita ang pag-flash ng pangalan ni Marco sa screen nito. Nakatulala lang ako rito at hindi ko alam kung babasahin ko ba ang mensahe, basta ang alam ko lang, nais ko nang umuwi sa pilipinas kahit ako lang mag-isa. Marahan kong tinayo ang aking katawan, saka nagdesisyong kunin ang aking cell phone. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip ngunit binuksan ko ang mensaheng pinadala sa akin ni Marco. Kumunot ang aking noo nang makita kung ano ang laman ng kanyang mensahe. May address doon at sinasabing pumunta ako sa address na pinadala ni Marco. Hindi ko alam kung anong mayro'n ngunit may kung anong na

