Elise MAGKAHALONG kasiyahan at lungkot ang nababalot sa aking puso. Masaya ako dahil muli akong nagkaroon ng supling mula sa lalaking mahal ko, ngunit sa kabilang banda, ramdam ko rin ang kalungkutan dahil hindi ko alam kung paano ko ito ipagtatapat kay Marco. Hindi sa hindi ako handa dahil nais ko pang bigyan ng importansya ang aking sarili, ngunit hindi kaya sign na ito upang bumalik ako kay Marco at bigyan siya ng pagkakataong ipakita sa akin ang kanyang pagmamahal? Sana sa mga oras na ito ay napagtanto na ni Marco kung sino talaga ang babaeng tunay niyang iniibig. Sana sa pagkakataong ito ay ako na ang babaeng iyon. Sumilay ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa hawak kong pregnant test. Nilapat ko ang aking palad sa aking puso at pinakiramdaman ang mabilis na t***k nito. May

