Jessie’s POV ANG maaliwas na lugar ang siyang bumungad sa akin. Hindi kaagad ako nakatingin sa lugar kung saan ako nakaharap ngayon gayong sobrang liwanag ng presensya na siyang bumungad sa aking atensyon sa mga oras na ito. Wala akong ibang magawa kung hindi ang takpan ang aking mga mata dahil sa nakakasilaw na presensya sa aking harapan. Ilang segundo akong naghihintay bago naalis sa aking mga mata ang makapal na liwanag na iyon. Alam kong sa puntong ito ay nasa mundo na ulit ako, sa mundong alam kong hindi na bago sa akin. Sa mundong pinili ko na siyang alam kong kailanman ay hinding-hindi ako magsisising pinili ko ito. Nang tuluyang naging malinaw sa aking paningin ang tanawing nasa aking harapan ay kaagad rin akong napangiti. Pamilyar na pamilyar sa aking paningin ang imah