Mikael’s POV Ilang minuto na akong nag-aabang sa labas nitong lobby. Ilang beses na rin akong napatingin sa suot kong relos. Ni minu-minuto ay napapatingin ako doon. Kailan ba siya lalabas? Kailan ba matatapos ang klase niy? Bakit parang sobrang tagal naman yata ng kanyang paglabas? Napaupo ako sa bakanteng bench sa lobby. Mabilis akong napaangat ng aking paningin nang mapansin ko ang alam kong mga kaklase ni Chantal na ngayon ay papalabas na nitong building. Napatayo kaagad ako at kasabay ng pagtayo kong iyon ay ang pagtingin ko sa hallway kung saan galing ang kanyang mga kaklase. Hindi na ako makapaghintay pang suyuin siyang muli. Kung kanina ay nagawa niya akong iwasan ngunit ngayon ay hinding-hindi na. Hinding-hindi ko na hahayaan pang makaiwas at makawala siyas ngayon sa akin. Sin