Chapter 81 Jessie’s POV Nagising ako nang makaramdam ng pangangalay sa aking braso. Nang maimulat ang aking mga mata ay ang mukha ni Kael ang unang bumingad sa aking paningin. He’s deeply sleeping habang pansin na pansin ko ang pagod mula sa kaniyang mukha. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa kaniyang mukha. At this time, his lips look more vivid and redish. Noon pa man ay hindi na ako nagsasawang titigan siya lalo pa sa puntong itong tulog siya. Malaya akong titigan ang kaniyang mukha at sa pamamagitan nito ay malaya ko ring isipin kung gaano kagwapo ang lalaking mahal na mahal ko. Sumilip ako sa relos ko at doon ay nalaman kong alas singko pa pala ng umaga kaya hindi hamak na tulog pa si Kael sa mga oras na ito. Hindi ko lang alam kung anong gumising sa sistema ko par