Jessie’s POV It is already 8 o’clock in the morning nang tumawag sa akin si Cindy. Hindi ko alam kung ano ang sadya niya at kung bakit ganito kaagad siya kung tumawag. Wala naman akong naaalalang sinabi niyang magiging meeting niya sa araw na ito at kasama ako kaya hindi ko alam kung ano ang sadya niya at kung bakit napatawag siya. “Besh?” sagot ko mula sa kabilang. “Get dress, may lalakarin tayo,” mabilis nitong sambit dahilan upang mapapikit ako at mapahawak sa aking sintido. Ito na naman siya, nagpapasya na naman ng lakad nang hindi ko man lang alam kung saan kaming lupalop nitong mundo pupunta. “Where are we going? W-wait, besh. Alas otso pa, ni hindi pa nga ako nakaawat sa hinihigaan kong kama. Hindi ba pwede mamayang hapon na lang tayo lalakad? Inaantok pa ako e,” sambit ko haban