Jessie’s POV “Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa kagubatang ito?” ang boses ko ang siyang bumalot sa buong gubat. Malinaw na malinaw sa aking mga mata ang kanyang presensya ngunit kailanman ay hindi ko tanaw ang hugis ng kanyang mukha. Hindi ko tanaw ang kanyang mga mata ngunit isa lamang ang alam ko at iyon ay isa isyang mortal. Isa siyang mortal na nakapasok sa kagubatang ito at alam kong hindi basta-basta nakakapasok ang isang mortal sa kaharian namin, puwera na lamang kung may binabalak itong masama sa kahaarian namin at iyon ay ang hinding-hindi ko maaaring mapalampas. Hindi siya nagsalita. Nakabalot ng isang maitim na tela ang kanyang mukha. Tanging ang maitim na parte ng kanyang mga mata lamang ang aking nakikita kaya alam kong kailanman ay hinding-hindi ko siya magagawang kilalanin