Jessie's POV Mahigit isang oras rin kaming nananatili ni Cindy sa ground. Buong oras ay punong-puno ng pagkukuwentuhan. Pakiramdam ko sa puntong ito ay parang bumalik ako sa dating panahon, iyong panahong nasa katawan pa ako ng mortal na si Chantal. Sa puntong ito ay alam kong tuluyan na ring nakabalik sa dating personalidad Cindy. Masaya akong makitang muli ang kaniyang mga ngiti at ang masasayang presensya ng kaniyang mukha. Kahit papaano ay unti-unti ko na ring muling nakuha ang loob ni Cindy. Alam kong sa puntong ito ay tuluyan na namang nagkalapit sa isa't-isa. Sa puntong ito ay alam kong wala nang hadlang pa. Alam kong wala nang magiging hadlang sa bawat galaw ko sa loob ng siyudad na ito at kailanman ay hinding-hindi na ako aalis pa, ang umalis mula sa presensya ng mga taong sobra