Jessie’s POV “Teka lang!” ang mabilis kong sambit nang mapansin ko ang paggalaw nito pabalik sa kaniyang sasakyan. Hindi ako maaaring magkakamali. Ang lalaking nakikita ko ngayon ay siyang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ako maaaring magkakamali gayong kailanman ay hinding-hindi nawala sa aking puso at isipan ang kaniyang presensya. Sa ilang taon kong paglalakbay ay walang ibang nasa isipan ko kung hindi si Kael lang. Si Kael lamang ang tanging tumatakbo sa aking isipan kaya ngayong muli ko na namang namataan ang kaniyang presensya ay labi akong nabuhayan ng loob. Parang may kung anong biglang nabuo sa aking puso, isang kakaibang bagay upang bumilis ang takbo ng aking puso. Mabilis kong tinahak ang daan papalapit sa kaniya. Walang kasing bilis ang aking galaw. Sa puntong ito ay hinding