Jessie’s POV “I just can’t believe it, besh. You and Kael has something. Hindi ko man sinabi sa akin ngunit alam kong may nangyaring kakaiba sa inyo noong nasa club tayo. Aminin mo, hindi ba tama ako?” mula sa kay Cindy ay ibinaling ko ang aking paningin sa kabilang sulok nitong opisina niya. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang sabihin sa kaniya ang lahat lalo pa at sa mga oras na ito ay hindi ko pa nais na malaman niya o ang magkaroon siya ng kunting ideya tungkol sa totoong pagkatao ko. Hindi ako nagsalita sa halip ay hinayaan ko na lamang na lumipas ang oras habang magkalayo ang aming paningin. Kung sa bagay ay tama naman talaga siya, aaminin ko man o hindi ay halata nang may namamagitan sa amin ni Kael kaya kahit anong pilit kong maikubli ang lahat tungkol sa amin ni Kael ay malalam