Kael’s POV Mas lalo lang lumalim ang aming paghahalikhan. Ang matinding init na alam kong siyang nararamdaman ko kagabi ay ramdam na ramdam ko na ngayon. Hindi ko alam kung anong mayroon sa babaeng ito at kung bakit nagawa niya akong akitin nang ganito. Ni hindi ko pa nga siya kilala. Ni hindi ko pa alam ang tunay na pagkatao niya ngunit kung gumalaw siya at sa ginagawa namin ngayon ay parang kilala na namin ang isa’t-isa. I don’t know what’s in her. Kung ano ang mayroon siya na wala ang ibang babae dahilan upang akitin ako nang ganito nang walang kahirap—hirap. I hold her neck at sa puntong ito ay dahan—dahan ko na rin siyang iginiya papunta sa tapat ng aking sasakyan. Buo na ang akig isipan sa puntong ito. Kung gabi ay nasa impluwensiya ako ng alak ngunit ngayon ay wala na at nais kong