Third Person’s POV “Panginoon, nakababa na po siya sa lupa,” mahinang sambit ng nag-iisang kawal sa kanya. Mula sa malayong parte nitong kaharian ay marahan rin itong bumaling sa kanyang kawal na ngayon ay nakatayo mula sa kanyang likuran. Hawak ang basong may lamang alak ay marahan niya itong sinipsip. Itinuon rin niya ang atensyon niya sa kanyang kawa. Linunok muna niya ang alak. Ramdam niya ang lasa nitong marahang dumadaloy mula sa kanyang bibig pababa sa kanyang lalamunan. “Sundan mo siya. Huwag mong hayaang makawala sa iyong paningin. Kailangan nating malaman ang bawat kilos niya.” wika nito sa kanyang kawal. “Masusunod panginoon,” wika ng kawal saka kaagad rin itong yumuko na siyang hudyat ng paggalang nito. Hindi niya maiwasang maramdaman ang saya. Ngayon ay dahan-dahan na ri