Jessie's POV "I can't blame you this, miss. Tatanggihan ko pa ba?" Ang boses na kaagad na bumabalot sa aking tainga. Sa puntong ito ay wala na akong magawa kung hindi ang pumikit na lamang. Rinig na rinig ko ang boses niyang iyon ngunit kailanman ay wala akong balak na sagutin iyon. Nanatili lamang akong tahimik habang nakapikit at dinadamdam ang bawat haplos niya sa aking katawan. Ramdam na ramdam ko ang inig ng kaniyang presensya sa aking katawan. Malamig ang buong sulok sa loob nitong kotse kaya ramdam na ramdam ko ang mainit na presensya ng hatid ng katawan niya sa aking harapan. Napasandal ako sa backrest nitong sasakyan. Lalo pa ngayong mas lalo lang naging marahas ang kaniyang mga halik. Tulad ko ay ramdam na ramdam ko na rin ang pagiging sabik niya sa ganitong bagay. Alam ko