Jessie’s POV Alas syete nan ang nagising ako. Napatingin ako sa buong silid at nakahinga rin naman ako ng maluwag nang mamataan kong nasa kwarto na pala ako. Buong akala ko ay nasa kakaibang room ako nakatulog. Nang tuluyan kong naimulat ang aking mga mata ay huli nan ang maalala ko ang kalaswaang nagawa ko kagabi. Ngayon ko lamang naalala nang husto ang buong pangyayari at inaamin kong ngayon ay nagsisisi na akong nagawa ko ang bagay na iyon. Nagsisisi na akong pinatulan ko ang hindi kilalang lalaking iyon. Ngayon ko lang nalamang matinding pagkakamali ang ginawa kong iyon. Oo, alam kong hindi pa naalala ni Kael ang lahat ng tungkol sa amin. Alam kong hindi pa tuluyang bumalik ang dating alaala niya kaya hindi pa niya ako kilala. Sa ngayon ay hindi pa ako parte ng kaniyang buhay para