Jessie’s POV “I-ikaw?” magkasabay naming sambit. Pareho kaming gulat na gulat sa puntong ito. Hindi ko alam kung bakit iba ang mga matang nakikita ko sa kaniyang presensya. Hindi ang matang ito ngayon kung hindi ang mga mata nkiyang tumatatak sa aking isipan sa gabing iyon. Ang mga mata niyang binabalot ng matinding pagnanasa. Hindi ko alam ngunit parang hindi ko yata kayang tingnan siyang nang diretso. Hindi ko yata kayang tingnan siya sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko ay hinuhubaran ako sa pamamagitan ng mga tingin nito. “You two know each other?” mabilis na tanong ni Cindy ngunit hindi ako bumaling sa kaniya at hindi ko pinansin ang tanong niyang iyon sa amin. Nanatili lamang ang akin tingin sa lalaking ito. Sa puntong ito ay hindi ko alam kung ano ang magiging dahilan ko par