Jessie’s POV Sa puntong ito ay hindi ko hahayaang mapahamak si Kael. Pansin na pansin ko ang panghihina sa kanyang mukha. Ang pamumugto ng kanyang mga mata na alam kong dahil sa naging epekto ng aking pagkawala. Alam kong ito lamang ang maaari kong gawin upang maiwasan kong tuluyang masira ang kanyang buhay. Hindi dapat siya nakakaramdam nang ganito. Hindi dapat siya naging malungkot nang ganito kung hindi ko lang sana hinayaang maging malapit ang sarili ko sa kanya noon pa man. Kahit pa alam kong darating rin ang araw na ito, ang araw na kailangan ko silang lisanin at umalis na parang bula. Ang araw na alam kong gigising na lamang sila sa umaga nang wala ako. Ngunit ginawa ko pa rin. Ginawa ko pa rin ang bagay na alam kong sa huli ay mahihirapan ako. Inaamin kong naging malapit na sila