Kael’s POV Madilim pa ang kapaligan nang ako ay magising. Nakatitig lamang ang aking atensyon kay Chantal at sa puntong ito ay parang wala na akong balak pang alisin ang mga tingin ko doon. Hindi ko alam kung bakit sobrang ganda siya sa aking paningin. Sa dinami-daming babaeng dumaan sa aking buhay ay siya lamang ang nagpapabuhag sa aking puso. Siya lamang ang tanging babaeng nagpapabago sa takbo ng aking buhay. Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay saka ko marahang hinaplos ang noo ni Chantal. Marahan kong hinawi ang takas niyang buhok at sa puntong ito ay unti-unti ko na ring namataan ang kabuuang anggulo ng kanyang mukha. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng dating pilit akong tinatanggihan at intinaboy palayo ay katabi ko na ngayon sa iisang kama. Hanggang ngayon ay hi