Jessie’s POV Hindi ko inakalang darating kami sa puntong hindi na namin makontrol ang aming sarili. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko sa tuwing ginagawa ni Kael ang maseselang bagay sa aking katawan. Sa tuwing umabot sa puntong nasimulan na niyang paliyabin ang sandaling namamagitan sa amin ay wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang mapapikit na lamang ang hayaan na lamang si Kael na lunurin ako dahil sa matinding pakiramdam na nararamdaman ko sa aking katawan. Pakiramdam ko ay unti-unting nanlulumo ang aking katawan na animo’y may kung anong kuryenteng mabilis na dumadaloy sa aking katawan dahilan upang ako ay mawalan ng lakas at hindi magawang kontrolin ang sarili. Alas tres nang matapos ang aming klase. Hindi kaagad ako lumabas sa aking silid.