Kael’s POV Alam kong may mali. Alam kong may mal isa kilala kong Chantal ngayon. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Ngunit wala akong magagawa gayong ito naman talaga ang nais ko noon pa man at iyon ay ang ibigin siya at ibigin rin niya ako. “Kael!” ang boses niya bago ako tuluyang nawalan ng malay. Kinabukan nang magising ako ay pansin ko ang kakaibang gawi ng aking bungad. Sa mga oras na iyon pa lamang ay alam ko nang may mali. Napatingin ako sa aking katawan. Nang malamang wala na akong sugat at pasa ay napakunot kaagad ako ng sarili kong noo. Sa puntong ito ay sigurado na akong may mal isa ginawa ni Chantal. Ngunit ang hindi ko alam ay kung bakit hindi ko man lang maalala ang kasunod na nangyari mula noong marinig ko ang kanyang boses. Hindi ko man tanaw