Calling Zyrus… Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang hinihintay kong sagutin ni Zyrus ang tawag ko. Excited na akong maka-usap siya sa iniregalo ni Tito Chad sa aming dalawa bilang Gradauation gift. Pero nawala iyung ngiti na iyun nang sa ikatlong pagkakataon ay hindi sinagot ni Zyrus ang tawag ko sa kanya. Ano na naman kaya ang pinagkaka-abalahan ng lalaking ito? Hmp! Huwag niyang sabihing magkasama na naman sila ni Joey?? To: Zyrus Zy, asan ka ba? Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa sofa namin. Puntahan ko na lang kaya si Zyrus sa bahay nila? Paano kung wala siya doon? Muli kong sinilip ang phone ko pero wala pang sagot si Zyrus. Isang tawag pa. Kapag hindi pa rin siya sumagot, susugurin ko na talaga siya! Calling Zyrus…