Maaga pa ang gabi, pero pinipilit kong makatulog na. Wala naman na kasi akong maisip na gawin. Wala ako sa mood makipag-chat sa mga kaibigan ko. At paniguradong wala namang magiging ibang topic kung hindi ang hindi pag-attend ni Zyrus. Si Lander naman, pihadong busy pa din siya sa pagbi-billiards niya at hindi rin ako i-entertain-in nun sa chat. Ni hindi na nga bumaba iyon kanina sa sasakyan niya at dumerecho na sa Amana, kung saan naghihintay ang mga kaibigan niya. Noon, kapag ganitong Linggo ng gabi, si Zyrus ang nangungulit sa akin sa text. Minsan pa nga, ay si Tita Pepper na ang mismong nagpapahinto sa kanya dahil maaga pa kami gigising kinabukasan. Oo nga! Si Ninang! Bumangon ako, at saka sumandal sa headboard ng kama ko. Nag-umpisa akong