To: Lander Good morning, love Alas nuwebe na ng umaga at kagigising ko lang. Naisipan kong i-text agad si Lander patra hindi na humaba ang tampo nito sa akin. To: Lander Love, sorry na… To: Lander Lander… From: Lander Why Napaupo ako bigla nang sumagot si Lander. Hindi ko naiwasang mapangiti. To: Lander Bati na tayo? From: Lander Ikaw itong may topak, eh. To: Lander Nag-sorry na nga ang tao eh. Kakagising mo lang, love? From: Lander Oo. Uminom kami ng barkada kahapon. Anong oras na din kami natapos. Nakaramdam ako ng pagka-dismaya. Pero pinilit kong bale-walain. To: Lander Ganun? Inaaya kitang mag-mall kahapon hindi mo ko sinipot. Iinom ka lang pala... From: Lander Nakaka-bad trip ka kasi.